Chapter Two

30 12 6
                                    

Chapter Two

Stunned

Maaga akong ginising ni Tatay kahit Sabado ngayon. Ngayon kasi daw kami mag-aani ng mga kalabasang tinanim nila ni Mang Ambro. Siya yung kaibigan ni Tatay na kasama niya sa halos lahat ng gawain dito sa bukid.                 

      
Habang binabaybay ko ang taniman, kitang kita ko kung gaano kalawak ang lupaing tinaniman nila ng kalabasa at sa kabilang dako naman kitang kita ang mga manggang nagkukulay dilaw na dahil sa mga bukol ng bulaklak na nagpapahiwatig na malapit na itong mamunga.

Ganito ang buhay sa amin. Malayo nga sa bayan pero sagana naman kami sa mga prutas at gulay. Ito ang bumubuhay dito sa mga tao kaya ganon na lang kung makapagyabang ang iilan sa mga kaklase ko dahil ang iilan sa kanila ay may-ari ng lupang sinasakahan ni Tatay.

15 pesos per kilo lang yung kuhaan ng taga bayan dito sa amin kaya kailangan talaga na madami kaming maitanim at maharvest na kalabasa. Hindi lang kasi sina tatay ang makikinabang sa pera, magbabayad pa sila sa upa ng lupa, saka idedeliver pa yun sa may bayan, so bibili pa yun ng pang gasolina. Pambayad pa sa utang sa mga pataba tapos hahati-hatiin pa nila yung natitirang pera kaya sobrang hirap talaga ng buhay dito.

Kung puwede lang sanang tumakas dito. Kaso di pwede eh. Kahit nga sa bayan lang minsan pinagbabawalan pa ako ni Tatay. Halos araw araw may curfew ako sa kaniya.

Minsan kasi gusto ko nang maging malaya, maging malaya sa pagpapanggap, maging malaya sa buhay na ganito.

"Anna, dala mo ba ang timbangan? " dinig kong sigaw ni tatay.

Kumaway-kaway ako sa kaniya at itinaas ang timbangan namin na puno na ng kalawang. Nandoon na din sina Aleng Miling, Lola Tashing, Tiyo Carpio at Mang Isko na tumutulong kina Tatay sa pag harvest. Nagulat naman ako nang tumakbo papunta sa akin si Diego, ang anak Aleng Miling.

"Tulungan na kita Anna" sabi niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng sumagi ang mga kamay ko sa kamay niya.

Oh my god, heart kalma lang.

"Salamat "  saad ko saka niya ako kinindatan. Siya na ang bumuhat ng timbangan at inihatid iyon kina Tatay.

Matagal na akong may gusto kay Diego pero hindi ko lang pinapahalata, alam ko na naman kasi na hindi niya ako magugustuhan. Well, sino ba naman magkakagusto sa mukhang pangit na 'to.

Kung alam lang nila sana.

Tulong tulong kami sa pagkuha ng mga kalabasa at pinagtumpok tumpok iyon sa iisang lugar para hindi na kami mahihirapan kapag kukunin na iyon ng taga bayan. Sa bayan kasi ang bagsakan ng lahat ng pananim dito.

Gamit ang bandana, gumawa ako ng patatsulok na hugis at ipinatong ko iyon sa ulo ko na parang sombrero. Tinali ko ang magkabilaan sa ilalim ng baba ko.

Matindi ang sikat nga araw pero kahit ganon man, malakas naman ang ihip ng hangin kaya hindi naman ganon kasakit ang sikat nun. Tinulungan ko sila sa pagkuha ng kalabasa sa mismong puno na ito habang sina Diego naman ang taga-buhat nun papunta sa kung saan nakatumpok ang mga kalabasa.

Tagatak na ang pawis ko ng makaramdam ako ng pagka-uhaw. Inilibot ko ang aking paningin para tingnan kung nasaan ang pitsel ng tubig na dala kanina ni tatay.

“Lola Tashing, yung pitsel ho?” tanong ko kay Lola.

“Ay nandon sa ilalim ng punong manga hija” turo niya.

Agad akong pumunta sa may punong iyon. Kukunin ko na sana ang pitsel para isalin sa may baso ng may kumuha dito.

‘Sorry nauna ako” inirapan ko na lang si Diego bago kinuha ang pitsel na inubos niya talaga.

Beautiful MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon