Chapter Six

12 5 1
                                    

Chapter Six

Mabagal akong naglakad papuntang sakayan ng tricycle. Habang naglalakad, hindi ko maalis sa isipan ko ang narinig kanina. Gusto ni Diego ay may mabuting ugali at magandang mukha. Oo, alam ko naman na mabait ako pero hindi ako maganda at kailanman hindi ako magiging maganda sa paningin ng iba hanggat suot suot ko itong pekeng mukha na ito.

Bigla akong napahinto sa tapat ng isang boutique. Nakaka-agaw ng pansin ang isang bestidang kulay puti na suot ng isang mannequin. Simpleng damit lang iyon. Mabulaklakin at hanggang tuhod lang ang haba. Agad ko naman napagdesisyunan na tingnan ko iyon.

Itinanong ko ang presyo ng damit na iyon sa babaeng tagabantay. Nang malaman ko na sobrang mahal ay tumanggi na akong bilhin ito. Sa susunod na lang. Kapag may pera na ako. May ibang pinaglalaanan ang pera ko ngayon eh.

Aalis na sana ako ng boutique na makita ko ang isang make-up set ang mga lipstick. Kailanman ay hindi pa ako nakakagamit ng mga bagay na iyon. Naisipan kong bilhin yung lipstick na nasa boteng maliit. Ang sabi ni manang liptint daw iyon tapos pwede ding gamiting pang-blush on daw sa pisngi.

150 yung presyo nun, pero dahil naaawa si Manang tindera sa akin dahil mukhang di talaga ako gumagamit ng ganong pinatawad niya ako ng singkwenta peso, kaya isang daan na lang ang binayaran ko.

Ngayon lang ako bumili ng isang gamit para sa sarili ko tapos grabe, hindi ko alam na ganito pala kasarap sa pakiramdam.

Agad akong naghanap ng palikuran. Gusto kong ma-try yung liptint na'to. Kung bagay ba ito sa akin or hindi.

Sayang at walang salamin ang mga palikuran dito, buti na lang may salamin akong maliit dito sa bag. Pumasok ako sa isang cubicle. Kinuha ko muna yung salamin ko bago ko ipinatong sa itaas ang bag ko.

Binuksan ko ito saka dahan dahang inilapat iyon sa bibig ko. Jusko nasobrahan ko ata sa paglagay at sobrang pula yung kulay at grabe, ba't ang pait nung lasa?

Pinagpantay ko ang kulay sa bibig ko. Pinaksiklop ang magkabilaang labi para naman umayos talaga ang kulay.

"Ayan, bumagay na" masayang bulong ko habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin.

Magugustuhan kaya ito ni Diego? Tanong ko sa isip ko.

Teka, ano kaya ang itsura ko kapag nilagyan ko ng ganito yung pisngi ko. Sabi ni Manang pwede daw ito sa cheeks. Pero paano ko naman 'to ilalagay sa pisngi ko kung malaking harang itong kulubot na silicon.

Dahan dahan kong tinanggal ang iyon na nagtatago ng kanang bahagi ng mukha ko. Inilagay ko muna iyon sa loob ng bag ko saka sinunod ang sabi kanina ni Manang.

Nilagay ko iyon sa pisngi ko gaya kung paano ilagay ng nga kaklase kong babae iyon. Gaya ng sa labi ko, pinantay ko din ang kulay ng magkabilang pisngi ko.

Narinig kong bumukas ang pintuan ng cr, nasa dulong cubicle naman ako at isa pa madami namang bakante kaya okay lang na magtagal ako dito.

Pinahid pahid ko gamit ang dalawa kong daliri ang namumula ko na ngayong pisngi at halos hindi ako makapaniwala nga totoo nga ang sabi ni Manang. Mabuti na lang talaga ito yung napili kong kulay, hindi masyadong pula, tamang tama lang sa balat ko.

"Wow, ganda nga nga" sabi ko ng ako mismo napamangha sa sarili kong mukha. Ngayon ko lang nakita ang kabuuan ng mukha ko na ganito yung ayos. Mas madalang pa kasi talaga sa minsan kung tanggalin ko itong silicon na ito.

Magugustuhan kaya ako ni Diego kapag ganito na yung mukha ko? Siguro naman oo na, kasi hindi na ako panget. Wala naman akong pimples saka makinis naman ang balat sa mukha ko taliwas sa anyo na nakikita nila. Tiyak na magugulat talaga siya kapag nakita niya ang tunay kong mukha at magkakaroon na talaga ako ng pag-asa sa kaniya.

Beautiful MischiefTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon