Have you ever experience walking down the corridor and getting anxious with the people around you? 'Yong tipong iniisip mo 'yong mga sasabihin ng ibang tao, 'yong baka pinagbubulungan ka na, or worst baka pinagtatawanan ka na.
Napabuntong hininga ako habang inaayos ang strap ng bag ko.
In my whole life, hindi ko pa naranasang makarinig ng magagandang bagay mula sa ibang tao, kung meron man purong kaplastikan lang.
And also...
I hate commitments.
I hate attachments.
Kasi once na nangyari 'yan, I'd be dead.
I'd be dead in a way na baka masaktan ako ng sobra kapag tinalukran nila ako.
Who would want to befriend with a boring person anyway?
If I could shut my ears for a while so I won't be able to hear anything from my surroundings.
Again, I heaved a deep sigh and then continued walking down the corridor. Usually, I would let myself be late for the first subject dahil sa mga bully, I also don't have the courage to stand up for myself kaya hinahayaan ko na sila, I would let myself be late for first subject para hindi ako makarinig sa kanila ng kung anu-anong pangalan. Madalas nilang pagkatuwaan ang last name ko.
I'm a sensitive person. Mabilis akong umiyak, and I hate it. I really really hate it.
Kaunting salita lang ay bumibigay agad ako.
And I think I can never be brave enough to handle these kind of stuffs.
Pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa classroom ay kakaibang tingin agad mula sa iba kong kaklase ang bumungad sa akin.
It was like three fourth of my classmates were on their weird looks, the rest doesn't give a damn.
Nagpatuloy ako sa paglalakad.
My heart beats fast by the time I heard Klynton and his two friends laugh.
Not campus heartthrobs, but known as bully of the year.
At ang mas nakakatawa? Ako 'yung puntirya nila.
I am trying my best to keep myself silent, dahil kapag nagsalita ako malamang ay iiyak lang ako.
It effin' sucks.
I can't even do anything to stand up for myself.
"Hi Francisco."
Napapikit ako ng mariin nang marinig ko ang malokong tono ng pananalita ni Klynton habang binabanggit ang Pangalan ko.
The classroom fell silent.
I silently cursed. Dahan dahan akong nagpatuloy ako sa paglalakad.
One thing I really hate is that all of their eyes were on me, I hate attentions for fvcks sake!
"Kamusta ang bakasyon, Francisco? One week kang wala ah." Tumatawang sabi ni Glenn. Napahagikhik naman ang iba naming kaklase sa sinabi n'ya.
Naupo ako sa pinakadulong upuan sa left side ng classroom, at nanatiling tahimik dahil ayaw kong pumatol, takot akong pumatol.
"Hoy Francisco tinatanong ka." Bahagyang nanlambot ang tuhod ko nang marinig ang boses ng dating tinuring kong kaibigan. Si Tina.
Two years passed eh?
Masakit pa rin pa lang malamang 'yung dati mong kaibigan ay tatalikuran ka for the sake of fame.
Freaking Fame.
Fuck fake friends.
Nanginginig ang pang ibabang labing naupo ako sa aking upuan habang nakatingin sa labas ng katabi kong bintana.
Shet p're paiyak na.
Lagot ka na Klynton.
Taena Brad lagot ka, ipapaprincipal ka n'yan.
Narinig ko ang ilang bulungan na parang sinasadya pang iparinig sa akin.
You can't cry, Jane. You fucking can't.
I gritted my teeth to force myself not to cry.
Bumuga ako ng hangin at nangalumbabang tumingin sa bintana.
I've been through worst, pero pakiramdam ko laging bago 'yung mga nararanasan ko ngayon.
Bumalik sa dating ingay ang mga kaklase ko, na para bang walang nangyari kaninang nakalipas na limang minuto.
Sina Kylnton, Glenn at Rex naman ay nasa kanya kanya na nilang girlfriends. Hanggang ngayon hindi ko pa rin maisip na 'yung mga honor students na tulad nila ay papatol sa mga gagong lalake sa campus.
Well, love is blind nga naman.
Minuto pa ang lumipas nang dumating si Ma'am, nagsibalikan sa kanya kanya nilang upuan ang mga kaklase ko. May ilan pang nagtutulakan habang bumabalik sa upuan nila.
"Oh, Ms. Francisco, long time no see." bati ni Ma'am na may bahid ng sarkasmo. Kumibot ang labi ko nang marinig ang mahina ng tawa an ng ilan sa mga kaklase ko.
Napayuko ako, walang balak na tumingin ng diretso sa mata ni Ma'am.
"Kamusta ang bakasyon?" dagdag n'ya pa na mas lalong nagpabilis sa tibok ng puso ko.
"Uy ma'am, 'wag ka namang gan'yan baka umiyak na." Narinig ko pang nang-aasar na sabi ng class president.
Nagtawanan ang lahat, ang iba ay hinahampas pa ang upuan.
Damn it Jane, hindi ka dapat umiyak.
Nag-iinit na ang sulok ng mga mata ko, bumibigat ang paghinga.
"Shut up, brats. Pare-pareho lang kayo." Masungit na sabi ni Ma'am at saka naupo sa table n'ya.
"Yan kasi, bibo ka Lars."
"Yan nabrat tuloy tayo."
Muli silang nagtawanan.
I sometimes wish I was like them, 'yung kayang tawanan lahat.
Why can't I be like them?
Nagsimulang mag-attendance si Ma'am, pinatong ko ang baba ko sa palad ko at saka pumikit.
One week have been a hell week for me, One week akong umabsent dahil sa lungkot, takot, galit. Ang hirap, sobrang hirap. You'll wake up and feel the same way. I fucking just can't handle those, and I can't even explain myself to them.
No one even bothered to listen, no one even bothered to know. No one will ever understand.
Narinig ko ang pag click ng pinto kaya naman naimulat ko ang mata ko.
Bumungad ang antok na mukha ng kaklase kong si Yandrei.
Ang bagsak niyang balikat, ang circular eyeglasses n'ya, ang kakaibang ngisi sa kan'yang manipis at mapulang labi, ang kulot nitong buhok na bumagay sa hugis ng kan'yang mukha.
"Ma'am, sorry I'm late."
At ang malalim n'yang boses.
Bumilis ang tibok ng puso ko.
Yandrei Pyr Marx, SSG Vice President, Best News Reporter, one of the NSPC winner of 2018, and MTAP Champion.
Diretso s'yang naglakad patungo sa katabi kong upuan, iniwas ko kaagad ang aking tingin.
Well, at least may reason pa rin ako para pumasok araw-araw.