Yandrei Pyr Marx

5 0 0
                                    

If only you can do something to change your fate, what would be the first thing you'd do?

Probably the first thing I'd do is to pick a not perfect yet responsible parents. Para naman hindi nagiging impyerno ang buhay.

Anong silbi ng achievements mo kung sarili mong magulang hindi proud sa ginagawa mo?

It's suffocating.

"Okay, class dismiss. Ms. Francisco, and Mr. Marx, let's talk outside." My thoughts vanished when Mrs. Dela Fuente called me.

Sabay kaming tumayo ni Jane, nginitian ko s'ya at saka tumabi para paunahin s'yang maglakad palabas ng classroom, sumunod ako.

Jane Ryletthe Francisco

A typical outcast, introverted person, and not that smart student in the whole Humss Department. Kung irarank s'ya sa out of 50 students she'd be in Rank 40. Hindi naman s'ya bobo, tamad lang talaga mag-aral at mahilig umabsent.

"Ano bang problema Jane?" Agad na tanong ni Ma'am nang makarating kami sa corridor. Bakas ang pag-aalala sa striktong mukha ni Mrs. Dela Fuente. "Graduating ka na hija, baka nakakalimutan mo." dagdag pa nito.

Napalingon naman ako kay Jane na ngayo'y nakayuko.

But I do understand her reasons behind her action.

Sinong gaganahang mag-aral kung nasasakal ka sa environment na meron ka?

'Yung lahat ng tao ayaw sa existence mo.

Napabuntong hininga ako.

"Maybe because of our classmates ma'am." Pagsingit ko sa usapan. Lumingon naman sa akin si Ma'am, "Hmm, I can not tell na this is her main reason but this is one of the factors kung bakit pinipili n'yang umabsent, as I can see kasi si Klynton at yung dalawa n'ya pang kaibigan, pinagtitripan itong si Jane. S'yempre kilala naman nating maloko yung tatlong yun, Ma'am. At saka maimpluwensya sila kaya pati yung iba naming kaklase nagagaya na rin sa ginagawa nila. Hindi lang silang tatlo pati na rin ang iba naming kaklase, binubully si Jane." dirediretso kong sabi.

Narinig ko ang mahinang paghikbi ni Jane kaya nilapitan ko at hinaplos ang likod. Her years here must have been very hard. If I were also her, tatamarin din akong pumasok sa school at mas pipiliin na lang na mag stay sa bahay kaysa sa araw araw na makisalamuha sa mga taong pinepeke lang ang pakikitungo sa'yo. It's suffocating, hindi ko rin matatagalan ang gano'n.

Nag iba ang timpla ng mukha ni Ma'am sa narinig, "Kakausapin ko sila mamaya." Lumingon ito ulit sa akin, "Drei, can you do me a favor? P'wede bang paki-tutor si Jane the whole semester?"

Nakagat ko ang sarili kong labi at saka napatingin ulit sa katabi kong si Jane. Pinupunas n'ya na ang kanyang luha. "N-naku ma'am, 'wag na po nakakahiya po kay Yandrei, lalo na't busy rin po s'ya sa obligation n'ya dito sa school."

Inangat n'ya ang kanyang tingin ngunit agad ring binawi nang magtama ang mga mata namin.

"Okay lang naman," ngumiti ako kay Jane saka nilingon si Ma'am, "I'll tutor her."

Nagliwanag ang mukha ni Ma'am at saka napangiti, "Great! Aasahan kita dito, Yandrei. I'll look forward for her improvements."

Tumango ako.

Nagkaroon pa ng ilang discussions tungkol sa mga subjects na hahabulin ni Jane, naging kalmado na rin s'ya at nakangiti. Ilang minuto pa at nagpaalam na si Ma'am.

Nakabulsa ang mga kamay akong hinarap ang nakatulalang si Jane. Inosente itong nakatingala sa akin. Mukhang hindi pa yata nagsi-sink in sa kan'ya yung mga nangyayari.

"S-seryoso? P-pumayag ka sa pakiusap ni ma'am?"

Napa-step back ako at saka itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko, "Woah woah, hindi ba talaga kapani-paniwala, Jane?" tumawa ako.

Naiilang naman syang tumawa, "Eh kasi..."

By looking at her in this kind of state, ang cute n'yang tignan.

Right, you can't just look at her like that, Drei. She's just sixteen for ef's sake!

Naipilig ko ang aking ulo at saka nginitian si Jane. "Since wala na rin naman tayong pasok bukas, let's meet, sa Words and Brews? 10am sharp."

"S-sige."

The whole day have been really a busy day for me. SSG, School Paper, Math Club, and Classroom obligations. Walang minutong dapat sayangin, one fail and I'll lose one another.

This has been a habit for almost half of my life, dahil sa kagustuhan kong maging proud sa akin ang parents ko. Lahat ng school activities pinatos ko na.

Pero parang hindi pa rin sapat sa kanila ang lahat ng pinapakita ko.

And it sucks, it really sucks.

Hindi ko alam kung saan ako lulugar. Kapag nag exert ako ng effort, what I did was useless to them. Kapag hindi naman ako nag exert ng effort, I am useless, hindi raw ako nag-aaral ng mabuti.

I got home late. Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang sampal. Napahawak ako sa aking pisngi sa hapdi.

"Ang kapal ng mukha mo! Umuwi ka pang barumbado ka!" Malakas ang sigaw ni Mama habang matalim ang tingin sa akin. "Kung umasta ka parang walang magulang na naghihintay sa'yo! Siguro gusto mo na magpa-asawa? May kinikita ka na sigurong babae? Hindi ka na nga nag-aaral ng maayos ganyan pa ang ginaganti mo sa amin ng papa mo!"

Bahagyang kumunot ang noo ko sa huling sinabi n'ya. Paanong hindi nag-aaral ng maayos?

"Kita mo yung anak ng mga tito at tita mo? Sila mga professional na! Ikaw bulakbol pa!"

Napapikit ako sa mga binitawan n'yang salita.

Hindi na bago sa akin ang mga naririnig n'ya, araw araw na pagkukumpara sa mga pinsan ko. Pero ang sakit pa rin. Masakit kasi ang sarili kong effort ay di nila nakikita. I'm also doing my best to be the best student and son to them pero bakit hindi nila makita 'yun?

Bakit hindi nila magawang maging proud para sa akin?

"Wag kang kumain ngayong hapunan." Naimulat ko ang aking mata saka bumungad sa akin ang tila lasing at inaantok na mukha ni Papa na s'ya ring nagsalita.

"Pa, may inayos lang po ako sa School pub kaya nagabihan ng uwi." bigla kong paliwanag.

Ayaw kong matulog ng walang laman ang t'yan. Puta naman.

Ngunit nawalan ako ng pag-asa nang makitang walang ekspresyon n'ya akong tinignan at saka ako tinalikuran. Bagsak ang mga balikat ako dumiretso sa kwarto at pabagsak na naupo sa kama.

Minsan napapatanong na lang ako sa sarili ko...

Magulang ko ba talaga sila?

Bakit kung ituring nila ako parang di nila ako anak?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 10, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Seeking HelpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon