Operation: Move On

137 5 1
                                    

Dear Diary,

Hi kamusta ka na diary. Charot. Para namang ang tagal na nating magkasama. E eto nga ang unang beses na susulatan kita. Alam mo ba diary, ang ganda ko. Kaso wala pa rin akong boyfriend. Hurt hurt. T-T

Alam mo diary, may ikwekwento ako sayo. Ito ay tungkol sa aking kaklase na nahihirapan daw mag-move on. Ang tanga niya diary ano? Nahihirapan diary. E pwede naman siyang umabante. Hahahaha. Oo na diary, waley na kung waley. Maganda naman ako e.

Edi eto na nga. Nakita ko siyang umiiyak dahil broken hearted daw siya sa Ex niya. E eto naman ako. Si magandang to the rescue kaya, kinausap ko siya. Batid ko naman din kasing kailangan niya ng tulong e.

---*

"O Cass, umiiyak ka ba?" Oo na, mukha ng tanga diary kahit alam kong umiiyak siya. Tinanong ko pa din. Alam mo naman, maganda ako! HAHAHAHA.

Pag-katanong na pag-katanong ko sa kanya. Agad niya akong inirapan. Aba, bastos niya diary ah. Dukitin ko kaya mata niya. Charot. Nginitian ko na lang siya diary. Alam ko naman kasi diary na maganda ako, kaya push ang pag-tulong. Charot!

"Hwag kang mag-alala mahal ka noon." Tinap ko ang likod na diary. Tapos alam mo ba diary. Bigla siyang tumayo tapos, sinamaan niya ako ng tingin. Im scared na diary. Huhuhu.

"Ano bang *sob* alam mo Marielle?! *sob* Di ba wala? *sob*"

Oo diary, nakokonsensya ako sa pang-gugulo sa pag-sesenti niya. Pero maganda naman ang intensyon ko diary diba? Diba Maganda ako diary? Hwag ka namang magalit dahil lagi ko ng sinasabing maganda ako. E tunay naman ah. Wala lang talaga akong boyfriend.

So eto na nga diary. Niyakap ko siya para i-comfort. Alam mo diary, damang dama ko talaga ang sakit. Malakas kasi ako sa empathy e. Hahahaha. So gumanti ng yakap at doon siya nag-iiyak sa mga balikat ko. Feeling ko tuloy, pag piniga ko ang damit ko makakapag-puno na ako ng isang balde. Pero joke lang yun diary. Hahahaha.

"Haaay. Kung gusto mong mag-move on. Gagawin mo, hindi yung
mag-eemo ka diyan with matching tulaley and pouty lips ever. Ano? Tama ako o tama talaga ako?" Alam mo diary, hindi ko naisip na masasabi ko yun. Ewan ko kung bakit? Siguro dahil...Maganda ako? Hahaha. Charot!

"Huh?" Nag-tataka niyang tanong. E malamang diary, alangan namang gumanon siya ng alam niya kung bakit. Adik lang? Hahaha. Hay grabe diary. Mukhang ako ang adik. -3-

"Well walang tamang paraan ng pag-momove on. Why? Dahil kung hindi ka naman willing sa process mo ng pag-momove on. We'll, hindi ka talaga makaka-move on. Alam mo talaga diary, hindi ko talaga alam kung saan ko nahuhugot itong mga salitang lumalabas sa aking bibig. Basta ang alam ko, PRo na PRo ako sa larangan na ito. chos lang diary.

"Sige, makikinig ako sayo Marielle." Woah diary, medyo huminto siya sa pag-iyak at konting hikbi na lang ang maririnig mo sa kanya. Mukhang nakuha ko ang atensyon niya. Ang saya lang to the highest level diary.

"Hahaha. Wala na akong sasabihin pa. Iiyak mo lang yang sakit. Ilabas mo lang ang mga pasakit. Hanggang sa wala ng matira."

Then diary. Hinawakan ko ang mga kamay niya. At tinitigan ko ang mga mata niya. Hoy diary, hindi ako TBoom ha! NBSB lang naman ako ah. Hayst. Basta! Hinawakan ko ang mga mata niya at tinitigan siya sa mata.

"Then Cass. Pag nabuhos mo na lahat ng sakit. Sabihin mo. Hindi na ako iiyak!"

"Hindi na ako iiyak!"

"Isa pa!"

"Hindi na ako iiyak!"

"Laksan mo!"

Diary Ng Magandang SingleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon