one

275 24 2
                                    

Nasa kalagitnaan ng paglilinis ang Bangtan Boys ng kanilang dorm dahil ito'y sobrang kalat at nagmumukha ng dumpsite. Plastic wrappers diyan, underwear dito, medyas everywhere. Busy sila maliban na lang sa isa. Ano pa ba ang inaasahan mo? Si Yoongi ay nakaupo lamang habang pinapanood niya ang kaniyang repleksyon sa salamin na ngayon ay kaharap niya. Paulit-ulit niyang sinasabi ang mga salitang "sweg..shwag..hiphop beybe"

Tayo naman ay dumako sa isang kwarto na madilim. Pinakakatakutan ng mga miyembro. Ang kwarto ni Seokjin. Oo, alam nating nakakatakot itong tignan pero ating pasukin. Sa panlabas na anyo ay oo itim pero 'pag ito'y pinasok, juskojugigo, maala-pantasya ang dating. Paano ba naman? Isang kwarto ng binata, kulay pink ang loob? Konti lang ang kulay itim pero for sure, sabog ito ng pink. 

Si Seokjin ang visual ng grupo. Ibig sabihin, ang pagmumukha ng tribo. Oo, gwapo siya. Oo, maganda ang boses. Oo, seksi ang dating pero hindi pa rin siya maibaba sa pwestong "dumbest hyung" at ang kalaban niya ngayon sa pagkuha ng titulong ito ay ang kanilang pinuno na si Namjoon. Siya rin ang laging nabubully pero hindi nila maaasar ang kanyang taglay na kagwapuhan.

Sapat na siguro ang aking paliwanag.

Kasalukuyang nagsusulat ng isang liham itong binatang ito. At ayon sa kaniyang sinulat, ito ang nakalagay.:

 Hoy mga bata,

                    Si hyung niyo iyo. /Halata naman 'di ba?/ So..Byebye letter 'to. Ang peperkto niyo kasi. Im not worth it to be the visual of the group. Andiyan si Kookie na napakagwapo o kaya si V. O di kaya si Suga with his beloved gilagid. Oo, alam kong wala akong talento kaya hindi ako nababagay sa inyo. Sige byebye na mga bata. Aalis na ako. Hahanapin ko ang taong makakaintindi sa aking katangahan. Geh loveyou all.

Dumbest hyung,

Seokjin

PS: ninakaw ko lahat ng mga pink stuffs niyo.

Ang bakla hindi ba? Pero yeah, huwag na huwag niyong tawaging bakla ang bias wrecker ko. Tunay na lalaki iyan.

Pagkatapos niyang isulat, ifinold niya ito ng hugis eroplano. Ipinalipad niya ito sa direksyon ni Suga at bago pa man makuha ni Suga, isinara na ni Seokjin ang pintuan at nagsimula ng magdrama.Kinuha niya ang isang maleta at binuksan ito. Inilagay niya ang kanyang mga damit at mga pink stuffs. Nakabihis na rin siya at handa nang umalis. Binuhat na niya ang maleta gamit ang kanyang kanang kamay. Subalit, sa 'di inaasahang pangyayari, may nakita siyang isang papel na nakalapag sa sahig. Ito ay nagmula sa kanyang maleta. Pinulot niya ito at binuksan.

*

On the other hand, nakita ng mga miyembro ang papel kaya napagdesisyunan nilang basahin ito. 

"Wow. Ang ganda naman ng penmanship ni hyung. Calligraphy siguro ito" manghang komento ni Taehyung.

"pffft. ang bakla naman ni hyung."

"for sure, nasa kwarto pa lang si hyung. Nagdadrama." sabi ni Hoseok at tumang-tango naman ang lima pang miyembro.

"hoy bata, habulin mo si tanda este si hyung. Mamaya, makagawa nanaman siya ng kamalasan." bilin ni Yoongi sa pinakabatang miyembro ng grupo. Napakamot ulo si Jungkook at agad namang sinunod ang bilin ng mas nakatatandang miyembro.

"hala punta ka na,bata. Bago pa man 'yun tuluyang makaalis. Alam mo naman yun, once na nagseryoso, seryoso talaga siya kaya layas ka muna." dagdag ni Jimin at tinulak niya si Jungkook upang gawin ang kanilang bilin.

Aalis na sana si Jungkook ngunit siya'y natigilan sa kanyag paglakad.

"oh, bata? what's the matter?" tanong ng kanilang pinuno. Humarap si Jungkook sa lima pang mga kalalakihan na nasa harapan niya ngayon.

"hyung, ilang beses na ito ginawa ni Jin hyung at pakiramdam ko, sineryoso na niya kasi wala na akong marinig na nagdadrama sa baba ng dorm natin." sagot ni Jungkook. Napabuntong hininga ang pangalawang pinakamatanda sa grupo at tumayo.

"titignan natin." sabi nito. Naglakad papalayo si Suga upang tunguhin ang kwarto ni Jin. Sumunod sila Namjoon,Taehyung,Hoseok,Jimin at Jungkook upang makumpirma kung talaga na ngang naglayas ang "ina" ng kanilang grupo.

"Hyung, paano kung talagang lumayas na si Jin hyung? Sino na mag-aalaga sa atin?" malungkot na tanong ni Taehyung kay Hoseok.

Patuloy pa rin sila sa paglalakad at sinabing "Andito naman kami. Besides, hyung needs a rest from the insults." mahinahong sabi ni Hoseok kay Taehyung. Napabuntong hininga naman si Jimin at sinabing "Naguiguilty tuloy ako. Kabilang ako sa mga nangbully kay hyung." malungkot nitong sinabi.

Nasa harapan na nila ngayon ang pintuan ng kwarto ni Jin. Iniabot ni Yoongi ang kanyang kamay sa doorknob at inikot ito. Binuksan nila ito at ang kanilang nakita? Isang Seokjin na nakatayo ngumit hindi kita ang mukha dahil sa kaniyang buhok. Ito'y nakatayo lamang at hindi kumikibo. Ang kanyang kanang kamay ay bitbit ang isang maleta na sana ay kanyang gagamitin at ang kaliwa naman niyang kamay ay may hawak na isang papel na kasalukuyang tinitignan ni Seokjin.

"Hyung...may problema ba?" mahinang tanong ni Jimin kay Seokjin. Kahit binubully niya ang kanyang hyung, hindi pa rin maipagkakaila ang takot sa kanilang mukha.

Tumingin si Seokjin sa kanilang direksyon at sinabing "meron mga bata." gamit ang isang boses na mababa at ito ang isa sa mga ikinatakot ng mga bata.

"Hyung, nakakatakot yung mga mata ni Jin hyung." bulong na sabi ni Jungkook kay Namjoon.

"Hyu-hyung...ano naman po iyon?" may halong takot sa boses ni Namjoon habang tinatanng niya ito. Imbes na sumagot si Jin, may tumulong luha mula sa kanyang mata. Nagulat ang mga bata sa pagtulo ng likido na mula sa mata. Umiiyak siya. 

Bihira na lang nila nakikitang umiyak ang isang Kim Seokjin. Minsan, umiiyak lang siya kapag siya'y masaya pero sa ganitong pagkakataon, kita sa kanyang mga mata ang isang bagay na naging rason sa kanyang pag-iyak. Kalungkutan,dismaya at takot.

"Mga bata, nakipag-hiwalay na sa akin si Kaeji. Wala daw kasi akong kwentang tao. I understand her. I'm a dumb hyung,afterall." sabi nito habang umiiyak at sinusubukang ngumiti.

shwagmin

Dumbest hyung, SeokjinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon