Chapter 6: Unsteady

0 1 0
                                    

I hate immaturity. And I hate that guy who push me to do so. Immaturity is not my style but since I met him it looks like I'm a natural. Nakakabadtrip.

I stopped being immature when they died. I started to learn how to fight and mend for myself. Sabi nila masyado daw akong nagmamadaling tumanda. Pero noong nawala ang mga magulang ko naisip kong ayokong maging pabigat sa iba. Hindi dahil nawala sila ay gagamitin ko iyong excuse para gamitin ang iba.

Maraming school na mas mura dito. Nagdesisyon akong sa mababang tuition nalang na school mag kolehiyo pero hindi na pumayag si tito. Pumayag nadin ako dahil ayoko namang suwayin pa siya. Alam kong ito din ang gusto ni mama.

"Hi Evelyn!"

Tumango lang ako kay Allan na isa ding parttimer.

Nagpalit lang ako sa staff room at lumabas din para pumwesto na sa counter at kumuha ng orders. Kapag weekdays ay iba ang mukha nitong bar. Serene lang ang tema at nakalatag ang mga lamesa sa dance floor. Naghahire lang si Linus ng kakanta para sa background music.

"Oh. Ano ng order niyo?"

"What happened there girl?"

Nanggagalaiting sabi ni Leo. Busy naman sila Cameron sa pagtingin sa menu.

"You're losing your shit babe," natatawang sabi ni Mara.

"Stop.. Hindi ko alam. Napatakbo lang ako," pag amin ko, "oorder ba kayo o hindi?"

"Hmm. I don't know. I don't want to be full kasi may party mamaya. You're coming to my Kuya's party right?" tanong ni Olga.

Napakamot ako sa ulo. Oo nga pala. Birthday ni Kuya Eliot. Kakauwi lang niya galing Canada para mag-aral kaya para narin itong welcome party.

"I'll be late. Okay? Pasabi kay Kuya Eliot."

"Sige. I'll have salad nalang."

Kinuha ko ang order nilang lahat at bumalik na sa counter.

"They're asking for you." ani Harold ng makabalik rin siya sa counter. Isa ring parttimer.

"Sino?"

Inginuso niya ang table sa di kalayuan at namataan ko ang grupo nila Zenith. Napabuntong hininga ako.

Lumapit ako sa table at nakitang hindi lang mga kabanda niya ang nandoon. May nakatabi sa kaniyang babae pero hindi niya ito nililingon at busy sa pakikipag usap sa lalaking blonde ang buhok.

"So. You work here?" bungad niya ng nakalapit ako.

Umismid lang ako ng nakita kong ipinatong ng katabi niyang babae ang kamay nito ng nakalapit ako.

"May I get your order, ma'am, sir?"

Matamis ang ngiti ko sa kanila. Sa lapad ng pagkakangiti ko ang nakakangalay na ito. Nanlaki naman ang mata ng lalaking nakapuyod ang buhok ng makita ako.

"Hi! I'm Gareth," inabot niya ang kamay at bahagyang tumayo para makipag kamay, "You have nice legs by the way." natatawang sabi niya.

"He means ang galing mo kanina," paliwanag nang lalaking may pagka brown ang buhok, "Demeter by the way." iniabot niya din ang kamay niya.

"You like some spotlight, do you?"

Malanding sabi ng babae sa tabi ni Zenith. It seems like I'm a badnews to her. Para siyang inagawan ng candy.

"Who wouldn't Anya?"

Iritableng sagot naman nung lalaking hindi ko pa alam ang pangalan. Mukha siyang dayuhan dahil sa blonde niyang buhok.

Clouded Mind, Burning HeartWhere stories live. Discover now