FALL 1

2.5K 35 3
                                    

☆ Z A N D R A ☆

"Anak sigurado ka ba sa gusto mong mangyari??" My Mom asked me worriedly.

"Yeah Mom. Papatunayan ko kay Dad na kaya kong mabuhay kahit na wala ang pera niya." I answered confidently.

"Okay, I trust you my daughter." Sabi ni Mom na halata mong nagdadalawang isip pa kung papayagan niya ba ako o hindi.

"If you need something don't hesitate to call me." Dagdag pa ni Mom sabay yakap sakin.

How I wish na sana ganito din si Dad sa akin pero sa palagay ko'y wala ng pag-asa dahil nagbago na si Dad. Buti pa nung bata ako hindi niya ako pinapabayaan, pero ngayon kulang nalang ay ipagtabuyan nya ako.

Kasalanan ko ba kasing maging isang party girl? I want my life to be happy! But I didn't expect na mamasamain yon ni Dad. Sinabihan niya pang bad influence ang mga nagiging kaibigan ko, ilang beses niya akong nilipat ng school para lang ilayo sa mga kaibigan kong ayaw niya.

Minsan na din akong napag-tangkaan ni Dad na kung ipag-papatuloy ko daw yung mga ginagawa ko ay siya na din daw ang papatay sa akin. Bakit? Nakakamatay ba ang pag pa-party?

Ewan ko ba, sinusunod ko naman siya lagi. Pati nga pag-bo-boyfriend ay hindi ko magawa dahil yun ang utos niya, marami pa ngang nagalit sa akin dahil hindi ko daw sila binigyan ng chance at magsisisi daw akong binusted ko sila.

Kinuha ko na yung mga gamit ko at nagpatulong sa mga drivers namin para ilagay yon sa kotse. Bago ako pumasok sa loob ng sasakyan tiningnan ko muna ang kabuuan ng aming bahay, hindi ako babalik dito hangga't wala akong napapatunayan kay Dad.

Nang makapasok ako ng kotse, umidlip muna ako saglit. Medyo mahaba habang biyahe din to.

~¤~

"Ma'am? Andito na po tayo." Narinig kong sabi nung driver namin na si Kuya Manuel.

Pagtingin ko sa labas nasa tapat kami ng isang malaking mansion. Mukhang magiging challenging ang buhay ko dito. Tinulungan ako ng driver namin para magbaba ng mga gamit ko.

Bigla namang may lumabas mula sa gate at mukhang nagtatalo pa ito.

"Kailangan ba kasi talaga niya ng maid? As far as I know halos lahat ng nagiging katulong nya ay pinapalayas niya lang." Sabi nung lalaki.

"He needs a maid Rafael! Malay mo itong bago niyang maid ang magpapatino sa kanya!" Sabi naman nung babae.

Natigil naman sila ng mapansin nila ako.

"Hmm, what's your name hija?" Nakangiting tanong sa akin nung babae.

"My name is Yzandara Kim, madam." Magalang at naka-ngiti ko ding sagot dito.

Mukha naman na-shock ang asawa nito. Pero ang mukha naman nung babae ay ganun pa din.

"Kim?" Ulit naman ng asawa niya.

"Yes! Anak siya ng may ari ng Kim Corporation." Proud namang sabi nung asawa niya.

"By the way hija, I'm Mrs. Pia Montereal and this is my husband Rafael Montereal." Pagpapakilala ni Mrs. Montereal.

"How could it be na isang Kim ay magtatrabaho sa atin? At bilang maid?" Nagtatakang tanong nung asawa niya.

"Don't worry sweetie, siya ang nagkusang magtrabaho dito at hindi siya napilitan o pinilit ng kung sino, right hija?" Sabi sa akin ni Mrs. Motereal, napatango naman ako.

Inaya niya ako sa loob, tinulungan naman ako ng mga maid nila para ipasok ang mga gamit ko. Napatingin ako sa kalawakan ng kanilang mansion, maraming paintings ang nakasabit, mayroon ding mga pictures nilang pamilya.

I guess anak nila yung lalaking nasa gitna nilang mag asawa sa picture. Napatigil ako sa pagtingin ng tawagin ako nung mag asawa.

"Hija I just want to remind you na hindi ka dito magtatrabaho, kundi sa condo ng aming anak." Sabi sa akin ni Mrs. Montereal.

Pagkasabi niya non ay inaya nya naman akong kumain, hindi na ako tumanggi dahil bukod sa nakakapagod ang biyahe ay nakakagutom din.

Habang kumakain kami ay nagtatanong tanong sila sa mga infos about sa akin. Nang matapos kaming kumain ay may tinawagan siyang tao para ipasundo ako dito.

"Hija, okay lang ba na ngayon ka na mag-start ng trabaho mo? Pupunta kasi dito ang Mama one of this days! At bibisitahin ang condo ng anak ko, so kailangan na talaga itong malinis ng mabilisan." Sabi sa akin ni Mrs. Pia, napatango naman ako.

"Pwede naman po." Walang pag-aalinlangan kong sagot.

Nang makarating ako sa condo, I must say na napaka-taas pala nito. Pang-mayaman ang condo. Sa bagay, mayaman naman sila eh.

"Ma'am? Tara na po." Aya sa akin ni Manong. Sumunod nalang ako sa kanya.

Dala dala ni Manong ang isa kong maleta. Habang ako yung isa kong shoulder bag, sumusunod lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung nasaan dito ang anak nila Mr. And Mrs. Montereal. Nang maka-tungtong kami ng elevator, sinabi sakin ni Manong kung anong floor kung nasaan yung magiging amo ko.

Pagka-tapat ko sa pintuan na may nakalagay na number 0369 ay may tinawagan si Manong.

"Ahm maiwan ko na po kayo dito. Hintayin nyo nalang po si Sir Kristoff." Paalam ni manong sa akin.

Hala?? Iiwan nya talaga ako dito ng mag-isa?

"S-sige po." Wala naman akong magawa kung hindi ang magpa-iwan.

May passcode ang pinto kaya hindi kaagad-agad makakapasok. Kumatok nalang ako. Pagkabukas ng pinto....

Bumungad sa akin ang isang messy hair, makapal ang kilay, topless, may 6 pack abs, kissable lips, pointed nose at may bakat----- argh! Yzandara?! Seriously?

"Done checking me?" Biglang tanong nito na nagpatigil sa akin. Hindi naman ako naka-sagot agad.

Damn! Ang gwapo ng boses niya!

"It seems like your enjoying the view." Sabi pa nito ng naka-ngisi.

Nagising naman ako sa realidad.

"A-ahm sorry. Can I come in?" Medyo nahihiya ko pang sabi.

"Nope---- "

Hindi niya na natapos ang sasabihin niya ng tumuloy na ako sa loob. Napagod kasi ako sa biyahe at gustong gusto ko ng ipikit ang mga mata ko.

"Hey you! Where are you going?!" Tanong niya habang hinahabol ako.

Ibinaba ko nalang ang mga gamit ko, tinanggal ko din yung suot kong heels at humiga sa malaking sofa.

"I need to rest. Please be quiet." Sabi ko. Wala ng hiya hiya! Pagod talaga ako eh.

"The f*ck?! This is my room! So----- "

"Shut the f*ck up Mister! Just give me an hour to sleep! I'm very tired right now! I will explain to you later. So please, leave me alone and do what you want. And please, don't disturb me." Sabi ko, siya naman mukang nagulat pa sa narinig.

Sino ba naman kasing gaga ang makikitulog na nga lang, galit pa? Well, that's only me. Actually hindi naman talaga ako mahiyain dahil nga isa akong party girl na sanay sa mga tao. Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinila na ako ng antok.

~¤~

Dear marupok readers,

HOPE YOU LIKE IT!

Jejeng Author,
_BinibiningDyosa_ ♡

You MAID Me Fall In LoveWhere stories live. Discover now