Heto na naman at inaalala ang nakaraan, ang mga nakaraang matagal na dapat na kinalimutan
Mga nakaraang dala lamang ay pighati at kalungkutan, na siyang bunga ng biglaan mong paglisan,
Sino nga ba ang may mali? Ako ba na walang ibang ginawa kundi ang hintayin ka sa iyong pagbabalik o ako na naman ba , na wala na namang ginawa para ipagkait at ipagdamot ka sa iba,
Aaminin ko ako ay nagkaroon ng pagkukulang, pero ang pagkukulang ko bang iyon ay sapat na?
Sapat na ba para saktan mo ako at iwanan ng mag isa at lumuluha?
Tama nga pala ,,isa nga pala akong malaking TANGA,,,,
TANGA kasi minahal kita ng higit pa sa sobra
TANGA kasi pinilit pa ring ipinaglaban ang isang relasyon at umasang "Kaya pa"
Ano pang silbi ng ipinaglalaban mong relasyon ninyong dalawa
Kung sa totoo naman ay ikaw na lamang ang nakakapit mag isa
Habang siya , matagal ng bumitaw at kumapit na naman sa iba,
Kaya't sa ngayon ay kasabay ng paglimot ko sa ating mga ala-ala
ay ang aking pangakong "ito na ang aking Huling patak na luha''.