Chapter 8

11.9K 510 87
                                    

HYŌRYŪ

Chapter 8

Umiling siya at inalis si Claire sa isip niya.

You used to like Claire. Noon iyon, iba na ngayon. You’re now a married man.

Paalala niya sa sarili.

Dala ang groceries ay ipinarada niya ang sasakyan sa gate ng eskwelahan. Maraming magulang ang naroon para sumundo ng mga anak. Mga ilang taon pa ay ganito na rin siya, sumusundo ng anak at asawa sa eskwelahan.

May bumati na mga nakakakilala sa kanya tungkol sa kanila ni Eunice. Nag congratulate ang mga ito sa kaya pero hindi siya gaanong nakipag usap sa nga ito.

Ilang minuto pa ay narinig na niya ang bell. Mula sa gate ay tinanaw niya ang classroom ni Eunice at nagsisimula na ring lumabas ang mga bata nito.

Nang buksan ang gate ay sumabay siya sa pagpasok ng mga magulang na naghihintay sa labas at agad na dumeretso kay Eunice.

May bumikig sa lalamunan niya nang makita niya itong naka maternity dress. Dark green ang kulay niyon na in contrast sa kulay ng balat ng asawa. Lagpas iyon sa tuhod nito. Hindi pa naman kalakihan ang tiyan nito pero halata na iyon. Nakatalikod pa ito sa kanya at mukhang hindi ito aware na naroon siya.

Stunning.

Na excite yata siyang maging Tatay bigla.

"Hi." Sabi niya rito. Nang pumaling ito sa kanya ay napangiti na lamang niya.

"Hi, ang aga mo." Sabi nito sa at ngumiti ito sa kanya.

"Yeah, I figured na narito ka pa.”

“Bakit ang aga mo? Akala ko bukas ka pa?” Tanong nito sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito ay pinisil pisil iyon.

“Wait, may chalk pa ang kamay mo, nalagyan ka tuloy.” Sabi nito at binawi ang kamay nito. Napansin niyang may residue pa nga ng chalk sa kamay ng asawa niya.

“Okay lang.”

“Hindi, sandali lang at maghuhugas lang ako ng kamay.” Sabi nito sa kanya at pumasok sa banyo.

Katulad noong unang beses siyang nagpunta roon ay nakatutok muli sa kanya ang mga mata ng mga estudyante nitong palagay niya ay mga cleaners.

“Good afternoon, visitor.” Sabi ng isa sa mga ito at sunud sunod na rin siyang binati ng anim pa nitong kasama.

“Good afternoon.” Bati niya pabalik sa mga ito.

“Ano pong pangalan mo?” Sabi ng naunang bumati sa kanya.

“Dylan, ikaw anong pangalan mo?” Tanong niya rito.

“Luigi po.” Sagot nito sa kanya.

“Hello, Luigi, nice to meet you.” Sabi niya rito at kinamayan ang bata. Kasunod nito ay naglakilala na rin sa kanya isa isa ang mga kasamahan nito.

Nang tumunghay siya ay nakita niya si Eunice na pinapanuod na siya sa ginagawa niya.

“Kids, sige na pwede na kayong umuwi. Si Teacher na ang bahala rito.” Sabi ni Eunice sa mga bata at nagpaalam ang mga ito sa kanilang dalawa. Kinuha naman ng asawa niya ang basahan at nagsimula itong magpunas ng desk ng mga bata.

“Ako na r’yan. Maupo ka lang.” Sabi niya at kinuha ang basahan mula rito. “H’wag ka ng tumutol. Maghapon ka na ng nagturo, maupo ka na at ako na ang bahala rito.”

Naupo naman ito sa table nito at nagsimulang mag ayos ng mga gamit habang pinupunasan niya ang ibabaw ng desk ng mga eskwela nito.

“Ginagawa mo ‘to araw araw tuwing hapon?” Tanong niya rito.

HYŌRYŪTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon