Chapter 20

12.8K 517 44
                                    

HYŌRYŪ

Chapter 20

Naiwan niya sa bahay si Kyle kasama ang Lola nito dahil mag d-deliver na siya ng furniture na ipinagawa ni Marcus sa kanya. Ilang gabi na rin siyang hindi makatulog dahil kay Eunice kaya mas napabilis na matapos ang trabaho niya. Hindi siya makatabi kay Eunice sa kama kaya mas lalong hindi siya makatulog. Hindi niya alam kung sinasadya ba ng asawa niya na sakupin ang panig ng higaan niya habang sa side  nito ay naroon si Kyle na dati namang pinatutulog nila sa kuna tuwing gabi. Ilang araw na rin siyang hindi nakakahalik at nakakayapos sa asawa.

Pinapansin naman siya nito at kinakausap pero sa tuwing magtatangka siyang pag usapan nila ang tungkol sa relasyon nila ay binabago na nito ang usapan o di naman kaya ay magsasabi itong may gagawin na ito. Kung sabagay, hindi pa rin talaga siya sigurado sa damdamin niya para kay Eunice. Alam niyang gusto niya ito at mahalaga ito pero alam din niyang hindi iyon ang gustong marinig ng asawa niya mula sa kanya.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya rito nang mapansin niyang nagpalit ng damit ang asawa niya. Kakarating lang nito sa bahay pero nagbihis lamang ito ng pang alis din. Hindi na ito nagsasabi sa kanya ng mga gagwin nito.

"isasama ko si Kyle sa cafe ni Raven, magkikita kami nila Savannah."

"Ihahatid ko na kayo." Alok niya.

Please Ny, h'wag kang tumanggi.

"Sige." Sagot nito at lihim siyang nagpasalamat. Kinuha niya ang susi ng sasakyan at inistart na niya iyon. Kinuha niya ang bag ni Kyle at inilagay na iyon sa sasakyan. Sumakay na rin naman ang asawa niya at napahinga siya ng malalim nang sumakay ito sa likod ng sasakyan. Hindi naman siya maka reklamo dahil doon na naman talaga ito pumu-pwesto sa tuwing kasama nila si Kyle.

Tahimik lang siyang nagmaneho habang naririnig niya ang asawa at ang anak niya na parang nag uusap, Gumagawa ng ingay si Kyle at nang tingnan niya ang dalawa sa rear-view mirror ay parang gusto niyang maiinggit. Noon lamang niya ulit nakitang ngumiti si Eunice at naiinis siya na hindi na niya iyon madalas na makita.

Naroon na sila Savannah at Sylvia sa loob ng cafe at kasama ng mga ito sa lamesa si Raven. Nang makita sila ni Raven ay tumayo ito at pinaupo si Eunice. Lumapit naman sa kanya si Raven.

"Wala na akong naririnig na tsismis." Sabi nito sa kanya,

"Sana ay ganoon din si Eunice."

"Wala na rin siguro, nagtanong din ako kay Savannah at kay Sylvia kung may naririnig ba sila na involve kayong dalawa ay wala na raw pero tinanong nga nila ako ng tungkol sa inyo ni Claire at sabi ko naman ay wala talagang namamagitan sa inyong dalawa ni Claire at tapat kaa kay Eunice."

"Sige salamat."

"Anong order mo? Mukhang may pinag uusapan sila Savannah." Sabi nito.

"Wala akong order, inihatid ko lang talaga si Eunice at si Kyle rito."

"Dito ka na muna, samahan mo ako at magkape tayo r'yan sa labas." Sabi nito at itinuro nito ang mga table sa labas.

Nang pumaling siya kay Eunice ay busy ang tatlong babae sa anak nila. Mukhang hindi naman nito iniinda na naroon man siya o kung ano man.

Dumating na rin si Eli doon at naupo sa table nila imbes na pumasok sa loob at dumalo kina Savannah.

"Bakit narito kayo sa labas?" Tanong nito sa kanila. Hindi siya umimik at hinayaan lamang si Raven na kumausap sa bayaw niya. Nang makita niyang parang naglilikot ng bahagya si Kyle ay tumayo siya at kinuha na muna ang anak nila. Hindi naman nagreklamo si Eunice at hinayaan lamang siyang siya na muna ang mag asikaso kay Kyle.

HYŌRYŪTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon