19 ~ Eyes

277K 8.1K 4.6K
                                    



CHAPTER NINETEEN

"TEAM Dwaye pa rin ako, Jessielyn!" Si Myle na kanina pa ang pag irap sa kanya nang maikwento niya rito ang naging desisyon niya sa alok ni Garry.

"Huwag ka nang umasa na may Dwaye at ako. Napakalabong mangyari niyon."

"Galit ka lang kaya mo sinasabi 'yan. Kapag nandito naman si Dwaye napapasin ko yang mata mo kung paano mo siya tignan. Mahal mo parin ayaw mo lang aminin!"

Inihinto niya ang pagtitipa sa laptop para sulyapan si Atasha na nakahiga sa couch sa sala habang dumidede. Sila naman ng kaibigan ay nasa teresa, nagpapahangin at tanghaling tapat.

"Pasmado talaga 'yang bibig mo, e. Marinig ka pa dyan ng anak ko."

"Totoo naman!" Humalukipkip ito.

"Totoong pasmado?"

"Gaga!" Natawa ito kaya pati siya ay gano'n din. "Ang ibig kong sabihin ay totoong mahal mo pa si Dwaye. Bibigay ka na nga sana ulit di ba? Kung wala lang impaktang nakialam ng cellphone niya."

"May kasama siyang babae sa resort." Diin niya. "Ang sabi niya may aasikasuhin lang siya, babae pala."

"Oh di ba, nagseselos ka? Tss."

"Bahala ka mag isip dyan."

"Pagselosin mo rin, Jess! Tapatan mo, para malaman natin kung ano ang magiging reaksyon ni Daddy Dwaye." Suhestiyon ng kaibigan na nginingisian siya. "You can use Garry to make him jealous! Go, girl!"

Minsan niya nang naisip na nagseselos nga si Dwaye kay Garry, pero nang malaman niyang nambababae parin ito ay naglaho ang kaunting pag-asa sa kanya.

"Hindi ko gagawin 'yon. Bahala na siya sa buhay niya. Magsama sila ng babae niya!"

"Pumapak ka na naman ng ampalaya." Kantiyaw pa nito. "Kung ayaw mo, ako nalang ang magsasabi kay Daddy Dwaye na ikakasal ka na? Ewan ko nalang kung hindi 'yon lumipad pabalik dito ng wala sa oras!"

Jess mind is close to believe that Dwaye would be affected knowing that she agreed to marry Garry. Kaya hinayaan niya na lang din ang kaibigan sa pinagsasabi nito.

"Hi Ninang Myle," Si Atasha na lumabas sa teresa, kumaway sa kaibigan niya.

"Hello baby Atasha!" Myle waved back. "Ang ganda ganda talaga ng anak mo, Jess, pwede ng pag-artistahin. Kung papayag ang Daddy niya—"

"Sshh!" Pinandilatan niya ang kaibigan na nag peace sign lang sa kanya.

"Peyo wala po akong Daddy."

"Meron kaya." Giit ni Mylene.

Tuluyan nang itinigil ni Jess ang pagtitipa at pinalapit sa kanya ang anak na kaagad namang tumabi sa kanya.

"Mama, may Daddy ba Atasha Daye?"

Napangiwi siya sa tanong ng anghel niya. Gigil na tinignan si Myle, halos pauwiin na. Pahamak talaga.

"Meron baby girl, kung walang Daddy, wala ka rin."

Mariin siyang napapikit sa sagot ng kaibigan! Ayaw talagang paawat!

"Nasaan ang Daddy ko po, Mama?" Atasha seems so eager to know.

"Hmm, n-nasa malayo." Pilit siyang ngumiti sa anak na titig na titig sa kanya, mabait na nakikinig.

"Peyo... gusto ko ng daddy, Mama."

Nahihirapan na napatingala si Jess. She felt like she's very selfish for hiding to her daughter who's her father. Ngayon na nag-uusisa ito ay nadagdagan lang ang alalahanin niya.

Territorial Men 4: Dwaye Mendez (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon