File 1: Kingdom University Files (Forever)

93.3K 1.1K 97
                                    

Lost File #1: Campus Royalties - Special Chapter 3

Special chapters #1 and #2 ay included sa Campus Royalties mismo na story link. 

***

"Yes! Sa wakas! Christmas break na! I'm free!" sabay taas pa ni Alice sa dalawang kamay niya.

"Duga! May exam pa ako mamaya! Hindi pa ako malaya!" sabi naman ni Jess saka siya tumingin sa phone niya.

"Ayiiee! Texting your unknown particle?" saka sinilip ni Yna yung phone ni Jess.

"Bakit ko naman itetext yun? Nagrereview ako no! Oh ayan, PDF version ng libro!" tapos nilapit ni Jess yung phone niya sa mukha ni Yna. Natawa na lang ako sa kanila dahil para silang mga timang.

"Tapos na rin exams mo, Steff, 'di ba?" tanong ni Alice.

"Yup! Actually wala na akong klase ngayon. Hihintayin ko na lang kayo para sabay-sabay tayong mag-mall."

"Wala kayong date ng bebeboy mo?" tinignan ko naman nang masama si Jess. Nasanay na silang tatlo na yun rin ang tawag kay Darryl. Hindi ko alam kung nang-aasar, nantitrip o nasanay na lang talaga sila doon.

"Joke lang! Hahaha! Pero four pa tapos ng klase ko ha! Wag niyo kong iwan!" sigaw ni Jess.

Napagdesisyunan naman naming maghintayan na lang dito sa may garden at after nun, pumunta na sila sa kanya-kanya nilang klase at naiwan ako dito. Dahil 12 PM pa lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Ayoko pa namang pumunta sa cafeteria dahil paniguradong maraming estudyante doon. At saka di pa naman ako nagugutom. Nilabas ko na lang yung phone ko at sinaksak ko sa tenga ko yung earphones.

Tumutugtog ngayon yung Thinking Out Loud ni Ed Sheeran nung may biglang humatak sa left earphone ko. Pagtingin ko...

si Darryl.

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Siguro dahil ngayon na lang ulit kami nagkita. Halos three weeks na rin ang nakakaraan nung huli kaming magkasama. Busy kasi kami pareho sa acads at idagdag pa yung band nila na sumisikat na ngayon. Kaya nga sa gabi lang kami nakakapag-usap kapag tinatawagan niya ako. Hindi rin naman ganun katagal dahil alam kong pagod siya at may exams nga kami.

"Bakit ganyan yang itsura mo, bebe girl?" sabay tawa niya pa. Lechugas naman 'to eh! Ang ganda ng bati niya sa akin ha!

Bigla naman niyang hinawakan yung magkabilang pisngi ko tapos kinurot niya yun.

"Di bagay sa'yo yung seryoso! You should smile," tapos pinilit niya akong magsmile. Napangiti naman agad ako dahil sa pinaggagawa niya.

"Shemay! Ayan na, nakasmile na," tsaka ko siya hinampas. Ang kulit pa rin talaga! Bigla namang sumeryoso yung expression niya.

"Namiss kita," at saka niya pinakita ang smile niyang kinahumalingan ko. Ay lechugas talaga! Nanggigigil ako sa kanya! After that, nilagay niya sa tenga niya yung left earphone tapos hinawakan niya yung kamay ko.

"Darlin' I will be lovin' you 'til we're seventy,

Baby, my heart could still fall as hard at twenty three,

And I'm thinking 'bout how people fall in love in mysterious ways,

Maybe just the touch of a hand,

Well, me, I fall in love with you every single day,

And I just wanna tell you I am."

Kumakanta lang siya habang nakatingin sa akin kahit na ang dami nang nakatingin sa amin. Paano ba naman ay ang lakas ng boses niya pero sobrang ganda naman. Lalo niya pang hinigpitan yung hawak niya sa kamay ko at mas bumilis yung tibok ng puso ko.

The Lost Files (Untold Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon