"Ano ba, Annie? Hindi ka na ba talaga magpapakatino?! Barumbado kang bata ka!"
Oh as usual.. pinapagalitan na naman ako. Eh lagi namang ganito e. Bakit ba ako magtataka pa? Eh mas paborito naman nila si Raj. Yung pinsan ko.
"Kelan niyo ba ako makikitang gumagawa ng mabuti? Eh etong magaling lang naman na 'to ang lagi niyong pinupuri!" Sagot ko at tinuro pa si Raj na masama ang tingin sakin.
Sinampal ako ni lola. "Ikaw! Pabigat ka lang dito! Wala ka ng ginawang matino! Eh etong si Raj?! Kahit pa hindi gano'n kataas ang grado ay may nagagawa at naitutulong! Ikaw? Mapapakain ka ba ng lintik na basketball na yan?! Panay ka laro! Panay ka bulakbol!"
"Oh eh kung gano'n din pala bakit niyo pa ako kinuha sa tatay ko?! Ha?! Ano keme lang?!" Sigaw ko pabalik.
Nanggagalaiti niya akong dinuro. "Ikaw ang papatay sakin! Walanghiya ka! Kahit kailan hindi ako nasagot ng kahit sino sa pamilya na 'to!"
Napamaang ako at ngumisi na lang. "Oh?! I'm proud to say that I'm the first!"
Sinampal niya ulit ako.
"Ang kapal kapal ng muhka mo! Manang mana ka sa tatay mo, alam mo ba yun ha?! Parehas kayong tarantado! Mga walang kwenta!"
"Thanks for the compliment, Lola." Tumalikod ako at umakyat sa kwarto.
Nanggigigil ako! Lagi nalang ako! Lagi nalang ako yung mali! Lagi na lang ako yung barumbado tarantado gago lahat na! Ako lagi! Ako nalang lagi nakikita!
KRING KRING!
Tumunog ang phone ko at sinagot ko yon.
"Yes, Lorri?" Walang ganang bungad ko.
"Tara laro tayo ngayon?" Yaya niya. "Nagyaya ng pustahan yung mga nakalaban natin dati..."
"Hindi ako makakapunta, e."
"Bakit? Saya mo kanina ah, ano nangyari bakit bigla kang nalungkot?"
"Nag-away kami ng lola ko e."
"Ah... hindi naman na bago. Yaan mo na lang, Annie..."
"Sige na ibababa ko na to..."
Pinatay ko ang linya. Napahilamos ako sa muhka ko.
"WALA KANG KWENTA!"
"BARUMBADO!"
"WALA KA NG GINAWANG TAMA!"
"MANANG MANA KA SA TATAY MO!"
"HINDI KA NABABAGAY SA PAMILYANG 'TO!"
"WALA KANG KWENTA!"
Tumayo ako at kinuha ang susi ko. Ang magandang gawin ngayon ay pumunta kay Ron. Ang pinakamamahal ko.
"OH AYAN! Ayan lalayas na naman ang walang kwenta! Wala na ngang naitutulong panay pa ang gala at lakwatsa!"
Dumadaldal na naman si lola at hindi ko na pinansin pa. Agad lang ako umalis at nagmaneho papunta sa condo ni Ron.
Kinatok ko ang pinto ni Ron. "Ron?"
Bumukas naman agad ang pinto. Bumungad sakin ang hindi maipaliwanag niyang muhka.
"Ron, are you okay? Sweetie?" Niyakap ko agad siya.
Pero natigilan ako. Dahil..
Tinanggal niya yung yakap ko.
Nasaktan ako.
"Ron? Anong problema?" Muntik pa akong mapiyok dahil naiiyak ako. Ang hirap naman nito. Kakagaling ko lang sa bahay na puro kashitan tapos ngayon...
BINABASA MO ANG
One Shot Stories Collection
Teen FictionGinawa ko ito, para masulat dito kung ano ang tumatakbo sa utak ko. THIS IS MY COLLECTIONS OF ONE SHOTS - Disclaimer: THIS IS ONLY FICTION. Names, characters, organizations, businesses, places and incidents are the author's imaginations. Any rese...