“Uy, ikaw na ang sunod.”
“Ay, palaka!”
Napabalik ang lumilipad kong isipan sa room.
Nagtatawanan sila. Kahiya naman eh.
Epic fail na ang first day ko.
“Sorry po” sabi ko sa prof naming at sa lahat na rin.
“It’s okay iha. Why don’t you tell us your name instead?” sabi ni Miss.
“Yes po. Ahmm… Hi! My name is Cassandra Grace Romualdez. You can call me, Cassey. Nice to meet you.” pagpapakilala ko habang ramdam ko na namumula pa rin ang mukha ko sabay upo na rin.
Ano ba yan? Baket ba kasi pumapasok na lang sa isip ko bigla yung nangyari last summer. Hayy…
Last Summer…
Nasa batangas ako ngayon with my family.
Vacation time eh at dito namen napili magstay.
Gabi na pero ang sarap ng simoy ng hangin kaya naman maglalakad muna ako sa may tabing dagat.
Kalmado naman ang dagat eh.
Safe naman siguro mag swim kahit sa ganitong oras.
Maalam naman ako maglangoy eh.
Okay, lalangoy ako.
10 minutes later...
Malalim na pala ang napuntahan ko.
Babalik na ako dun sa mababaw.
Aray.
Oh no!
Hindi ko magalaw ang paa ko!
“Tulong!” sigaw ko.
Shocks!
Sa lahat naman ng oras oh.
Baket ngayon ka pa nangingisig.
Is this the end of me?
Blackout.
“Gumising ka! Hindi pa ko huli.”
Sino ba yun?
Parang kilala ko yung boses na hindi eh.
Nakaramdam ako ng hangin na pumapasok sa bibig ko.
Nasamid ako at pinilit na imulat ang mga mata ko.
“Thank goodness! You’re alive.”
Maputi at matangos ang ilong niya.
“S-sino * cough *cough k-ka?”
Hindi ko na kaya manatiling gising.
“Ako si…” hindi ko na siya marinig hanggang sa hugis na lang ng mukha niya ang naaninag ko.
Blackout again.
“Panaginip lang ba yun?” tanung ko nang magising ako.
Inayos ko ang tingin ko sa paligid at narealize ko na nasa ospital pala ako.
So, hindi panaginip yun.
“Gising na po pala kayo ma’am” sabi nung nurse.
Tumango lang ako.
“Ah, nurse, panu po ako napunta dito?” tanung ko sa kanya.
“Dinala po kayo dito nung cute at matangkad na lalaki. Muntikan na po kayo malunod. Buti na lang po at maalam mag CPR yung lalaking nagdala sa inyo dito. Konting oras na lang po kasi at baka hindi na kayo makaabot” sagot nung nurse.
