Parang napakabilis ng oras nang magkasama kami ni Nigel. Nag'mall kami tapos nagpunta kami sa amusement park. Ang saya nya kasama. MAkulit. Hindi kagaya ni Steve. Seryoso. Eto na naman ako. Kinukumpara ko na naman silang dalawa. Hayyy.
1month\ na kaming magkasama ni Nigel. Lagi kami naglalaboy, tapos minsan nood ng sine, town hopping, at kung anu ano pa.
Andito kami ngyon sa unit ko, nanonood ng isang magandang love story.
Nagulat ako nung pinatay nya yung tv.
"Hey Ano bang problema mo? Bakit mo pinatay. Ang sweet na nga ehh!!!!"
Tumingin lang sya sa akin.
"Ehm, are you my girlfriend now?"
"Huh?!"
"I'm asking you. Tayo na ba? Lagi tayo nagkikita, magkasama. Masaya ka naman sakin siguro at ganun ako sayo."
"Nigel??"
"What? Do you like me?"
"hmm. i know you knew it."
"What i know is you like me. I hope i'm right?"
At nun ay naging kami na nga ni Nigel.
Hindi ko na inisip na sa text ko lang sya nakilala. Hindi ko na inisip na saglit pa lang kami magkakilala. Basta masaya ako sa kanya.
Naging masaya ang first 6months namin ni Nigel.. At hindi naman kami naging pabigat sa isa't isa pagdating sa studies. Nagtutulungan pa nga kami sa mga projects at homeworks.^^
"Babe, gusto ko makilala mo yung bestfriend ko."
Sabi ni Nigel isang gabi habang gumagawa kami ng homework sa bahay nila.
"Sino? Si Abby? Umuwi na sya??"
Nakwento na sa akin ni Nigel si Abby. Kababata nya. Parang ate na nga daw ang turing nya dun kahit isang buwan lang ang tanda nito sa kanya. Uuwi daw si Abby galing ibang bansa.
"Oo.Gusto ka nga daw nya makilala. Gusto ko na kayo magkakilala ni Abby, mabait yun!"
-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
:)
Sino si Abby?
Anong drama nya sa buhay???