OTLS#2

33 3 0
                                    

"BS Psychology? Ang galing! Nakakabasa ka pala ng utak? Sige nga hulaan mo kung ano ang iniisip ko ngayon, ay wag nalang pala! Hulaan mo nalang kung ano ang magiging kapalaran ko." Bulalas ng isang makulit na senior high school na nag fefeeling close na kasabay ko sa tricycle ngayon papuntang skwelahan sabay lahad ng palad n'ya para daw kuno mahulaan ko. Eh sa hindi naman manghuhula ang mga psychologist eh.

"Ang astig naman ng kurso mo ate! Nako! Kung magkaka boyfriend ka, baka di n'ya na gustuhing mag sinungaling." Dagdag n'ya pa. Napatampal naman ako sa aking isipan sa mga pinagsasabi ng senior high na 'to. Akmang magsasalita na sana ako nang unahan n'ya na naman ako. Ang daldal n'ya ha? Di ba s'ya nauubusan ng laway?

"Pero ate! Di ba delikado yung mga ganyan? Di ba nangingidnap at pumatapatay yung mga psych? At balita ko di sila napapanatag kapag di nakakapatay." Napayakap pa s'ya sa sarili n'ya na animoy natatakot. Baliw! At anong pinagsasabi nito na ang sa pagkakatanda ko naman ay di kami nangingidnap at lalong di naman kami pumapatay. Baka naman psycho killer yung tinutukoy n'ya.

"Hoy! Hind..."

"Ay hala ate! Andito na pala ako, sa susunod nalang ha? Noraine nga pala." Pagpapakilala n'ya. Sabay abot ng bayad saka patakbong pumasok sa loob ng skwelahan. Sa totoo n'yan, isa lang ang paaralang pinapasukan namin kaya lang hiwalay yung elementary to senior high school at ang college kaya nauna s'yang bumaba. Sa kasunod na gate pa kasi ako.

At himala, di ako masyadong late dahil 7:34 palang.

"A phobia is a type of anxiety disorder that causes an individual to experience extreme, irrational fear about a situation, living creature, place, or object." Pagsisimula ko sa report ko.

"There were four common types of phobias. These includes the animal, natural environment, situational and Blood-Injection-Injury phobia." Pagpapatuloy ko.

"Just like for example cynophobia for the fear of dogs. Fear of crowded and open places often called as agoraphobia and the fear of being alone which is the monophobia... Who even wished to be left alone right? Though yes, there were people who'll ask you to give them space and that they wanted to be alone but the reality is that maging sila ay takot ring maiwan." Parang may kumirot naman sa puso ko sa huling sinabi ko kahit pa na alam kong hugot lang yun dahil ang ibig sabihin naman ng monophobia ay takot sa LITERAL na mag isa. Di ko alam, pero totoo naman di ba? Kahit nga siguro ang pinaka matapang na tao ay takot rin maiwan. Though, oo, kaya nilang ibuhis ang sarili nilang mga buhay sa pamamagitan ng kabayanihan pero aminin man nila sa hindi, di pa rin sila makakatakas sa katotohonang maging sila ay takot ring maiwan mag isa.

Maganda naman yung kinalabasan nung report ko, worth it ang matagal na pag tulog kahit na araw-araw naman talaga akong matagal matulog.

Nakaharap ako ngayon sa pader habang nakayakap sa unan ko na halos kasing laki ko na. Wala munang youtube ngayon kase naubusan ng pangload.

Napatingin naman ako sa may pintuan nang bigla itong lumikha ng ingay na nangangahulugan lamang na may nagbukas nito. Alangan namang multo di ba?

"Ate, pweding pahiram ng cellphone?" bungad sa akin ni Nigel na kapatid ko pagkalapit n'ya sa kinaroroonan ko.

Umuga naman ito ng umupo s'ya sa dulo.

"Nasira mo cellphone mo no?" Nagulat naman s'ya nang tinanong ko s'ya pero maya-maya lang ay tumango naman ito ng mahina.

"Mag sesearch lang sana ako ng assignment, ayaw kasi akong payagan ni lola na lumabas para sana pumunta sa internet cafe sa may kanto kesyo gabi na raw." Hindi naman s'ya makatingin ng diretso sa akin.

"Bigyan kita ng fifty na load pang data ate." Pagka sabi n'ya nun ay ngumisi naman s'ya, nagbabasakali na pumayag ako. Pero syempre sino ba naman ang di gaganahan di ba?

10:24 nang isauli n'ya sa akin yung cellphone ko. At syempre may load na!

Pagka on ko sa data may nag pop up na message request sa messenger lite ko. Eniaron ang naka pangalan. Clinick ko yun tas ang sabi ay "hello ate!! Si Noraine po ito! Yung sa tricycle."

Ni like ko nalang tas maya-maya lang ay nag reply naman ito agad.

"Oy ate alam mo ba na yung pinsan ko patay na patay sayo? Sabi pa nga n'ya na ang cute mo raw kanina habang nagrereport ka. Hehhe"  napakunot naman ang noo ko pagkabasa ko nun. Pinsan? Ibig sabihin may kaklase akong pinsan n'ya? Imposibleng namang sa psychology kasi dalawa lang silang lalake sa  batch namin ngayon. Naapektohan kasi ng k12 kaya wala masyadong tao sa org. Walang third year at second year. Diretso fourth year na. Mga criminology nalang yung ibang kaklase ko sa subject na yun.

Pagka click ko ng chathead n'ya para sana magreply pero napaismid nalang ako ng makita ang nakasulat sa baba. -_-

You can't reply to this conversation anymore.

Ang lakas mang good time ng senior high na yun ah.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 18, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Our Traditional Love StoryWhere stories live. Discover now