"Alessana! Ano bang ginagawa mo diyan?" Tawag sakin ni Rie.
"May iniisip lang kung anong kailangan bukas sa duty and if naendorse ko na ba sa kapalitan ko lahat ng details ng hinandle kong pasyente. Onga pala, ikaw padin naman ang makakasabay ko bukas diba?"
"Oo. One is to ward nanaman ang lola mo. Di ko nga alam kung paano ko nakakayang pagtiisan ang napakaliit na sweldo dito e. Kung diko lang mahal mga pasyente ko, hay nako matagal na ako nangibang bansa."
Umiling naman ako at napangiti. Sino bang mag-aakala na magiging ganto kadedicated si Rie sa mga pasyente niya? Samantalang noon e napakagago naming mga estudyante.
Tumayo na ako mula sa aking kinauupuan at sinukbit na ang aking bag sa aking balikat.
"Paano ba yan Rie, mauna na ako ah? Bibisitahin ko pa kasi si Alice sa hospital."
"Sige girl. Ingat ka and see you tomorrow!"
Ako nga pala si Alessana Louis Viernes, 26 years old at isang Post Graduate Intern. Kausap ko kanina e si Rieana Hearth Sabado, kaibigan ko simula nung pre-med palang. Isang dakilang nurse na nagsisilbi sa ating bansa.
"Ma'am andito na po tayo." Sabi ng grab driver kaya naman kinuha ko na yung bag ko.
Nagpasalamat ako bago lumabas ng pintuan ng kotse at inayos ang aking suot bago pumasok ng hospital.
Nadatnan ko si Nathan na nakatulog sa tabi ni Alice.
"A-Alessana?" Inaantok na sabi nito. Ang gwapo niya talaga kahit inaantok. Napailing naman ako sa aking iniisip. I shouldn't be fantasizing about my cousin's long term partner.
"Hi Nathan, kanina ka pa dito?" Tanong ko habang papalapit ako sa cabinet upang itabi muna ang aking mga gamit.
"Oo, after ng shooting dumiretso na ako dito. Hindi ka ba pagod galing duty? Gusto mo ba ng mansanas? Ipagbalat kita."
Tumango nalang ako at nilapitan si Alice. Hinawakan ko ang buhok niya at napabugtong hininga nalang. Simula nung 9 years old ako, sila na ni Nathan. Nine years din kasi agwat ng mga edad namin. Kaya ayon, nakabuo sila ng baby. Pinanagutan naman nila ginawa nila, kaso nga lang, kasama sa car crash 4 years ago ang pamangkin kong si Hailey at hindi siya nakasurvive. Samantalang ito namang si Alice, hanggang ngayon ayan, di padin gumigising.
"How's your duty? Terror ba mga consultants?" Tumabi sakin si Nathan at inabutan ako ng binalatan at hiniwa niyang mansanas.
"Well, not all of them. Nagtuturo naman yung iba but some of them are just plain rude. Wala naman akong magagawa because I belong at the lowest part of the pyramid ng mga doctor." Kibit balikat kong sabi habang ineenjoy ang aking kinakain.
Nagitla naman ako ng hawakan ni Nathan ang buhok ko at marahang ginulo ito.
"You can do it Alessana. As long as your passionate about something, walang makakapigil sayo para maabot ito."
"Oo naman. E ikaw? Kumusta movie niyo? Talaga bang di mo ispospoil sakin ang storyline?" Pag-iiba ko ng topic at umusog ng konti palayo sa kaniya.
"My lips are sealed Alessana. Besides, di mo naman maeenjoy ang movie ko kung na-spoil na sayo diba?"
"Well, you're right. May date ka na ba? Diba may premiere night yun?"
"Wala pa nga e. I've always told myself to bring Alice or Hailey when I finally get my big break, pero ayon, bago pa mangyari yun kinuha na sila ni Lord. Four years na, ilang movies ko nadin ang naipalabas pero hindi padin nagigising si Alice pero sa totoo lang, habang tumitibok pa ang puso ni Alice, hinding hindi ako mawawalan ng pag-asa na magigising pa siya ulit."
BINABASA MO ANG
The Wish
RomanceIs it possible to fall in love with a fallen star? Is it possible to fall in love with someone whose heart is already taken?