[still in Flashback mode]
A week after nung pumasok kami, inayos nung Adviser namin yung seating arrangement. Nahiwalay ako kay Elisa tapos pinalipat ako sa bandang unahan. Maya-maya parang may pamilyar na tao ang umupo sa tabi ko. Hindi ko naman kasi naririnig yung sinasabi ng Adviser namin dahil busy ako na nag-aayos ng gamit sa aking bagong upuan!
"Cruz, dun ka sa tabi ni Dela Cruz" tinignan ko kung saan uupo si Kathy tapos umupo siya dun sa right side ng katabi ko. Bale ako kasi yung pinaka nasa left side ng 2nd row.
Bigla namang may tumapik sakin,"ate sayo po ba to?" Paglingon ko medyo nagulat ako at napaatras bigla kasi ang lapit ng mukha namin sa isa't-isa.
"Ah oo eh."inabot ni Kyle yung panyo ko tapos nginitian ako.
As time goes by, naging tourist spot na ang classroom namin dahil sa dami ng kuha nang kuha ng pictures ni kyle. Medyo nakakainis kaya minsan lumilipat ako ng upuan pag recess or lunch kasi pinag sisiksikan siya nung mga babae. Ang awkward naman kung uupo lang ako sa tabi nya habang ini-interview nila yung tao diba? May hiya naman ako.
It was November at that time, mayroong sport event na sinalihan yung school namin. At dahil Varsity si Kyle, kasali siya dun sa laban.
I think it was Friday noong may laban sa Gym, HS Volleyball Boys. Edi ginaganahan ako na manood kasi talagang naa-astigan ako sa mga Boys na naglalaro ng Volleyball. Hinablot ko si Elisa na naglalaro ng Volleyball sa tabi at kinaladkad siya sa Gym.
"Ang dami namang tao dito! Nak ng..." Sabi ni Elisa habang trying hard siyang tumingkayad. Maliit lang kasi siya, mga 5'1. Wala, biniyayaan ako ng height eh.
At ayun, kahit matangkad ako hindi ko makita yung mga players, ni yung bola hindi ko rin makita dahil yung iba tumatayo sa upuan nila. Pero kahit na ganun, nakipag gitgitan ako sa mga tao hanggang sa narating ko na yung tabi ng principal namin. So ang lapit ko na sa players. Time Out muna tapos sigaw ng sigaw yung mga tao.
"1-2-3! GO DELA CRUZ!!" Sigaw nung magkakatabing babae dun sa kabilang side ng Gym. Tapos inisip ko na baka anjan si Kyle kasi Varsity yun sa Volleyball eh. Gusto ko sana siya sabihan ng 'Goodluck' kaya lumapit ako dun sa Team ng Boys namin.
Ayun, sakto nakita ko siya na umiimom. " Kyle!" Sigaw ko palapit sakanya
" Anna? Bakit? " tanong niya habang pinupunasan niya yung pawis niya
" Ah wala lang. Mag g-goodluck lang ako! " pagkasabi ko nun biglang pumito na yung referee tapos nginitian na lang niya ako.
Habang pinapanood ko yung laban, sobrang na a-amaze ako kasi halos si Kyle yung nagdadala sa Team namin. Magaling din naman yung iba pero siya yung laging nakaka puntos. 21-19 yung scores tapos kami yung lamang. Nag serve yung kabilang team tapos ang lakas nung hampas niya kaya nag outside yung bola. Sigawan ang mga tao tapos ayun 22-19 na kami. Natapos ang laro na kami ang nanalo. 24-19 yung scores dahil hindi na talaga nag patalo yung team nila kyle at binigay na ang lahat.
Tumingin ako dun sa spot kung nasaan sila Kyle. Tawa sila ng tawa tapos nag aapir-an. After nun nag-form sila into a circle tapos sinigaw yung name ng school namin. Hindi ko alam pero napangiti ako habang tinitignan sila.
" at bakit ka naka ngiti? " biglang sumulpot si Elisa habang naka-pamewang.
" siguro may crush ka dun sa mga Varsities natin noh? Yiehh♥︎ " dagdag niya
" gaga. Natutuwa lang ako dahil nanalo sila. Ang epal mo talaga "
" sus. If i know, kausap mo kanina si kyle habang iniwan mo ako. Ang harot mo talaga! Inuuna mo kalandian mo kesa kaibigan mo! " sunud-sunod na sabi ni Elisa.
BINABASA MO ANG
Unrequited Love
RomanceIt's torture to know that you don't love me and it hurts to pretend that i don't care. There's so much I want to say to you, but i can't find the right words. How do you explain to someone that you're completely head over heels In love with them w...