HE WAS in a foul mood Trey knew that. At mas lalong sumama ang pakiramdam niya nang makita ang ginagawa ni Ria. Nakatanaw ito sa labas ng bintana habang nilalaro-laro ang charm ng bracelet. Like what she used to do. Iba man ang bracelet na iyon, naroroon pa rin ang charm na iyon.
Buwisit na charm. Himutok niya.
Kung nabubuwisit ka sa charm na iyan bakit hinanap mo pa? Tukso naman ng kabilang parte ng kanyang isip.
Bumalik ang pagkainis niya. Marahas na diniinan niya ang busina ng kanyang sasakyan. He kept on blowing his car's horn more than three times now.
Iyon ang nakakuha ng atensiyon ni Ria, Kunot-noong binalingan siya ng dalaga.
"May problema ka ba, Trey?
Sumulyap siya rito pagkatapos ay nagkibit-balikat. Gusto niya itong sagutin ng Oo pero naunahan siya ng kanyang ego. So instead he answered, "Traffic."
"Forever na ang traffic sa Pilipinas kaya huwag mong gawing excuse ang traffic. Kanina ko pa napapansin na parang bad mood ka. Masama ba ang pakiramdam mo?"
Itinutok pa rin niya ang atensiyon sa pulang ilaw ng kotseng nasa unahan nila. "Okay lang ako." Muling pagde-deny ni Trey.
"Gutom ka na ba?"
Umiling pa rin siya. "Sobrang traffic naman yata ngayon."
Sumeryoso na si Ria. "Ano talagang problema, Trey?"
"Wala nga."
"Ito na ang huling beses na magtatanong ako, Trey, ano'ng problema mo?" Nasa boses na ni Ria ang pagkapikon.
Mga dalawang minuto muna ang pinalipas niya bago siya nagpasyang isantinig na ang nararamdaman. Siya rin naman ang mahihirapan kung kikimkimin niya iyon. Huminga siya nang malalim bago hinarap ang dalaga. Malabo namang makausad agad sila sa bagal ng daloy ng trapiko. Tinitigan niyang mabuti ito.
"Ria, kung tatanungin ba kita ngayon kung kaya mo na akong mahalin, kung puwedeng nang maging tayo, ano'ng isasagot mo sa akin?" He finally dropped the bomb.
Kita niya ang pagkabigla sa mukha nito dahil sa tanong niya. Nang makahuma si Ria ay nagseryoso lalo ito. "Minamadali mo ba ako?"
He let another sigh. "Ang totoo hindi ko rin alam. Gusto ko lang din sigurong malaman kung kahit paano nakapasok na ba ako riyan sa puso mo. Na kahit paano higit pa sa pagmamahal ng isang kaibigan ang kaya mong ibigay sa akin. Siguro gusto ko lang malaman—" Pinilit niyang kalmahin ang nararamdaman. Sumulyap siya sandal sa suot na charm ng dalaga. "Siguro gusto ko lang talaga malaman kung kahit na paano ay natumabasan ko ang pagmamahal ng puso mo kay Marco."
Matapos niyang sabihin ang pangalang iyon ay mas lalong nagkaroon ng tensiyon sa loob ng sasakyan. Kita niya ang pagiging tense ng balikat ng dalaga. Iniiwas na niya ang tingin sa kamay nito bago pa man iyon muling makahaplos sa palawit ng bracelet.
"Walang nagsabi sa iyong ako ang mahalin mo, Trey." Hindi niya mabasa kung anong emosyon ang bumabalot sa tinig nito. It was just cold.
Mapait siyang ngumiti. "Iyon na nga, Ria. Walang nag-utos sa puso ko kusa kang minahal nito. Ang masaklap nga lang mas pinili mong mahalin ang isang taong kahit kailan ay hindi maibabalik ang pagmamahal na ibinibigay mo. Inilibing mo ang puso mo kasama si Marco at mukhang hindi kinaya ng pagmamahal kong hukayin pabalik ang puso mo."
Hindi nito sinagot ang mga sinabi niya. Huminga siya nang malalim, nagsisikip na ang dibdib ni Trey. Sabihin mo lang na mahal mo ako kahit kaunti lang.
"Gusto ko nang umuwi." Iyon lang ang tanging nasabi ni Ria sa kanya. Tuluyan nang bumagsak ang pag-asa niya. Pakiramdam niya ay nadurog ang puso niya, nabasag ang pangarap niya. Ang pangarap niya binuong kasama na ang dalaga. "Mahirap akong mahalin, Trey, kung sumusuko ka na naiintindihan kita."
Iyon lang at ibinaling na nito sa labas ng binata ang atensiyon. Ria realy shut him out. Ibinaling na lang din niya ang atensiyon sa harapan, sa mga pulang ilaw ng mga sasakyang sinusundan nila. Pula. Kawangis nang nagdurugo niyang puso.
"Alammong kahit mahirap handa akong magtiis. Hindi ko sinabing sumusuko na ako perotao lang ako, Ria, napapagod din ang puso."
BINABASA MO ANG
Kapag Minahal Kita
RomanceThis is unedited version. Published under Precious Hearts Romances. Circa 2014.