OFFICE FROM HELL-ER?

3.6K 96 35
                                    

Office From Hell-er is a script created for entertainment purposes only. Unedited. Raw. Disjointed. Random. Crazy. Nasty. And most of all, not inspired by anything or anyone with a bad face. Hihi.

Ang HELLER Solutions Inc. ay isang call-center agency na nag-i-specialize sa technical support kung saan lahat ng empleyado ay maaaskad ang mga mukha at nakakasuka ang mga ugali. Hindi ko alam kung paano sila kumikita nang ganyan pero basta, katuwaan lang naman ito kaya 'wag n'yo nang hanapan ng loophole. Mula sa boss na buwaya hanggang sa janitress na may daily PMS. Sounds terrifying? It is indeed an office from hell. Sige, umpisahan nang basahin para mapa-tumbling kayo sa banas.

P.S. Siya nga pala, walang bida rito. Lahat kontrabida.

EPISODE 1

1. INT. HELLER OFFICE - DAY

*SHRILL BACKGROUND MUSIC ROLLING, BAD*SS NAMES ROLLING

Shot of a head top with dandruff. A hand scratching the flaky head. Then cut to full shot. Makikitang ulo pala iyon ni LOISA (33), call center agent at mahaderang lider ng katsismisan sa buong HELLER. Malaki ang ilong nito. Kaya minsan ay nasisinghot nito ang mga dandruff nitong every 3.6 seconds ay nahuhulog mula sa ulo nito. Galit rito ang janitress dahil sa dandruff pa lang nito na nagkalat sa sahig ay napupuno na ang dustpan ng janitress. Si Loisa ang admin ng anti-Angel Locsin page sa Facebook kaya given nang hindi ito gumagamit ng dandruff shampoo.

Titingin si Loisa sa kapwa call center agent kay MICA (25) pero mukhang (45) dahil sa obesity. Hindi bale. Porselana naman ang kutis nito. Pink na pink. Maya't-maya ay may nakasaksak na pagkain sa bunganga nito. Mahilig itong sumayaw at kapag ginagawa nito iyon ay gumagalaw ang tasa ng kape ng mga kasama nito sa office. Nang dahil doon ay weekly na sumasailalim sa earthquake drill ang mga empleyado ng HELLER. At ban na sa opisina ang mga kanta ni Lady Gaga na hilig nitong isayaw. Ito ang numero unang inggitera sa office. May pagkabobita pa ito. Inaanak ito ng asawa ng big boss kaya medyo malakas ito sa management.

Mapapahinto si Mica sa pagnguya ng Pringles at sisimangot habang nagdaraan si CATHY (21) bagong hired na call center agent. Hindi naman kagandahan si Cathy ngunit pang-VIVA Hotbabe ang katawan nito. 36-25-35 ang vital statistics nito. Parati pang nakaluwa ang dibdib nito at halos nakalabas na ang kuyukot sa iksi ng damit. Pantasya ito ng bawat kalalakihan sa office na feel na feel naman nito. Usap-usapan sa office na kabit ito ng big boss na ang pinagmulan ay siyempre ay si Loisang tsismosa.

Ipi-flip ni Cathy ang buhok nito dahil titingin si ERVIN (27), ang hunk sa office pero hindi rin naman kaguwapuhan. Ito ang official manyak sa HELLER. Hilig nitong sirain ang aircon sa office para mainit dahil gusto nito na lagi itong nakahubad at ipinapakita ang six-pack abs nito na siyang gustung-gusto naman ni Mica dahil crush na crush nito si Ervin. Kahit nagmamantika na si Mica sa pawis ay okay lang na walang aircon basta nakikitang shirtless si Ervin.

Pi-picture-an ni Ervin-gamit ang cellphone nito-ang puwitan ni Cathy nang makalagpas na ito. Sisipol sana ito ngunit papasakan ni Mica ng Pringles ang bibig ni Ervin at halos mabubulunan ito. Makikitang naggigiritan ang mga ngipin ni Mica.

MICA (V.O)

Peste talaga itong haliparot na babaeng ito. Mamaya ka sa 'kin. Lalagyan ko ng thumbtacks ang chair mong malandi ka! Hmp! Imbyerna! Teka, ano bang spelling ng thumbtacks? Thambtucks o thumbtucks? Hmmm... mai-Goggle nga.

Pagtingin ni Mica sa LCD monitor ni Ervin ay wallpaper na nito ang picture ng puwit ni Cathy. Lalo itong ma-iimbyerna.

MICA (V.O) (CONT'D)

I changed my mind. Hindi na thumbtacks ang ilalagay ko sa chair ng Cathy na iyon. Pako na! Yung concrete nail at--

LOISA

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

OFFICE FROM HELL-ER?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon