Areyah Pov'sMaaga akong nagising dahil baka ma late na naman ako sa school, wala na kasi akong madahilan kaya ito nagmamadaling kumilos para makaligo at makabihis.
Ng matapos ako ay agad akong bumaba para hanapin si Manong Brando para ihatid ako sa school kahit di na muna ako kakain basta maaga lang akong papasok sa school dahil muntikan ko ng makalimutan ang tungkol sa aming JS PROM na sa linggo ng gabi na pala yun at di pa ako nakahanap ng kapartner ko.
Sinigawan ko na lang si Mommy bilang paalam na aalis na ako."Mom papasok na ako sa school babye." pagkasabi ko nun agad na akong lumabas dahil nandoon na pala si Manong naghihintay sa akin.
"Manong tayo na po." sabi ko kay manong na agad na tumango at sumakay na ako sa loob ng kotse.
Ilang minuto lang ang lumipas bago ako nakarating sa School.
Nag paalam na ako kay manong at may binilin."Manong salamat sa paghatid sa akin at pakisabi nalang po kay Mommy na malapit na ang aming JS PROM para mapagawan niya ako ng Gown.Mauna na ako sayo manong babye mag-iingat ka." sabi ko kay manong.
"Opo ma'am masusunod po at ikaw din ma'am mag-iingat ka." sabi ni manong at agad na umalis.
Habang naglalakad ako papuntang silid aralan ay di ko mapigilang mapahinto sa paglalakad at mapahawak sa aking ulo dahil may naramdaman akong kirot sa aking ulo na napakasakit na hindi ko makaya dahil grave yung kirot.Pinipilit kung maglakad ngunit huli na ang lahat dahil agad na nagdilim ang aking paningin at nawalan ng malay.
Nagising nalang ako na nasa loob na ng Clinic at meron paring kirot sa aking ulo kaya umupo ako ng maayos para mahilot ko yung sintedo ko na kumikirot ngunit nagulat ako sa nagsalita.
"Miss Cole are you okay? how are you feeling? you have to wait here i will call nurse Michelle to check if your really okay." at agad na bumungad sa akin ang napakagwapong---este ang pinakahate na mukha ni Rhadz.Na may halong pag-aalala sa akin.
Aalis na sana siya para tawagin si nurse Michelle ngunit di pa siya nakaalis ay hinawakan ko ang kanyang damit upang pigilan siya."Taver ikaw ba yan? paan---" tanong ko sa kanya ngunit agad niyang pinigilan ang huli kong salita.
"Yes it's me Honey nahimatay ka lang, nag ka amnesia ka na agad? di naman nabagok yang ulo mo ehh." sabi niya sa akin na may mga ngiti sa kanyang mga labi. Naku nakakahawa naman ang mga ngiting yan. Tumigil ka nga Areyah! pagpapatigil ko sa aking sarili.At di ko na naman natigilan na batukan siya dahil napakaseryoso ng tanong ko binibiro lang ng G*g*.
Napakamot na naman siya sa kanyang batok, ang cute--- este mukhang chanak.
Pero di parin ako makapaniwala na nagising na lang akong nasa clinic kaya di ko maiwasang mapatanong sa kanya kahit labag sa kalooban kaya kung gawin ito."Gag* wag ka ngang magpatawa diyan seryoso ako Taver kaya tigil-tigilan mo na yang mga kalokohan mo kung ayaw mong ikaw ang magpalit sa akin dito sa pwesto ko.Sinong nagdala sa akin dito? at kung paano ako nandito?." sabi ko sa kanya at di parin nawala ang kapilyohan na mga ngiti sa kanyang labi."Ayun! Mabuti at nagtanong ka!Honey ang sama ng bibig mo.Sino pa ba sa tingin mo ang magdadala sayo rito may iba ka pa bang nakikitang tao except sa akin?." tanong niya sa akin.
YOU ARE READING
CIRIVO ACADEMY SCHOOL OF CUTIE'S AND HOTTEST
Losoweito ang paaralan kung nasaan ang mga cute at mga hottest na nag-aaral sa paaralan na CIRIVO ACADEMY.