Di ako magaling

32 4 0
                                    

Hay! Di ako makagetover! Dapat talaga ako ang star student ni sir trinidad eh! Naungusan ko na sana yun si Mr. Alis! That prison was so easy to escape I could do it in less than a minute! Nako naman monica!

*crrriiing criiiing* tumunog ang phone ko ng tumawag si monica

"Hello?.. ano?" Sabi ko ng naiinis

"Pinapaalala ko lang sayo na hindi ka magaling! Kung may isang bagay na pwede ka mag excel yun ay ang pag control sa tao or decieving people dahil yung ang talent ng tatay mo na pwede mong namana naiintindihan mo ba!? Wag ka mag magaling sa ibang subject!" Sabi ni na parang sinesermonan ako.

Aba talagang!

"Oo alam ko!" Sabi ko naman ng binaba na niya ang telepono

Tinignan ko ang sched na binigay ni dean bublè. May siyam na subject pala ako dito
Yung isa tapos na. Yung escape 101 kay prof trinidad tapos yung iba naman programming, hacking , martial arts, gymnastics, acting, weapon mastery, bomb disposal, at sabi dito kailangan ko daw mamili ng elective ko. Hindi ko pa alam yung mga pwedeng kunin so saka nalang

Hmmm... next subject? Programming?

Subject : Programming
Prof       : Mor Agnos
Room    : 305

Andaming classroom praaaamis! Anlaki kasi eh! Paano ko naman hahanapi--  never mind
May room number naman eh bahala na ako ahahahahaha

Pag pasok ko sa kuwarto may isang lalaking mukhang teacher ang nag hihintay saakin. Nakasalamin ito at may balbas na makapal tumingin ito saakin at tumayo sabay ngiti

Ako palang ba ang estudyante?

"Hello! My name is Professor Mor Agnos! I was waiting for you. You must be Killumi? Killumi Samule?" Sabi nito ng naka ngiti

" yes! But where is everyone sir?" Sabi ko ng nag tataka

"Ah! Yes! You see hindi kasi ako maglelecture ngayon. Im giving them a test today kaya nasa baba silang lahat!" Sabi nito saakin

"Baba po?" Pag tatanong ko

Pinindot nito ang gilid ng blackboard. Bigla nalang may hagdan na bumukas sa sahig pababa

" after you... don't be scared ipapakilala kita sa mga kaklase mo" sabi nito saakin

Bumaba na ako at sheeemay! Maygawwwd! It was so lit up. The walls was pure white pati na din ang sahig kaya siguro mukhang sobrang liwanag. May mga hologram pa ng mapa, ranking at kung ano ano pang bagay na di ko maexplain! Ang galing! This is programming? Ang gaganda pa ng computer! Ohhhhh! I really love this school.

"Attention class! Meet miss killumi Samule. She is a transfer student, and your new classmate" sabi ni prof. Agnos

Ngumiti ako,  tumingin lang sila saakin at binalik na nila agad ang mga tingin nila sa computer nila

Aba! Grabe naman kaya ayoko ngumiti eh! Minsan ka na nga lang ngingiti naisnob pa! Pffft!

"Do you know how to program killumi?" Pagtatanong ni prof Agnos

"To be honest, not really" sabi ko ng konti lang naman talaga ang nalalaman ko sa programming. Ang alam kong magaling diyan ay si miguel.

"Well, if you need any help you should ask me. Or kung gusto mo puntahan mo lang ako sa lounge okay?" Sabi nito saakin ng nakangiti

"Sige po salamat" sabi ko naman dito

Bakit parang ang bait naman nito?

Tumingin ako sa paligid ng may naramdaman akong nakatingin saakin. Nakita ko ang isang lalaking medyo mahaba ang buhok yung parang sa anime ba yun? Basta may pabangs si koya ahahahhaha! Inalis din nito ang tingin niya ng nakita niyang tumingin ako sakanya

The girl who killed my heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon