CIRCUMSTANCES

15 3 0
                                    


NAPANGITI ako ng makita si Rex na naghihintay sa akin. Nakatayo siya sa labas ng gate ng aming paaralan. May hawak itong isang bugkos ng bulaklak. Kulay puting mga rosas. Nakapaskil ang magaganda niyang mga ngiti sa labi ng makita ako. 

     Kumaway siya sa akin at kumaway rin ako pabalik sa kanya. Nagtilian naman ang mga kaklase kong sasabay sanang umuwi sa akin. Mas lumakas ang kanilang tilian ng dahan-dahang lumapit si Rex.  

     "Para nga pala sa iyo, Paula. Isang dosenang rosas. Kulay puting rosas. Simbolo ng mga pangako ko at pag-ibig sa iyo. Na ako'y sa iyo lamang at ikaw ay akin," madamdamin niyang pahayag. 

      Natatawa ko siyang pinalo ng mahina sa balikat. Siyempre may pasimpleng tsansing na rin. 

      "Lyrics naman ata iyan ng kanta," sabi ko sa kanya habang inaamoy ko ang mga rosas. 

      "Ibinuhos mo ba rito ang pabango mo?" pagkuway nakataas ang kilay na pagtatanong ko. 

      "Oo, para hindi mo makalimutan ang amoy ko. Tuwing makaaamoy ka ng pabangong kapareho nitong akin ay ako ang maiisip mo," nahihiyang saad niya habang kakamot-kamot pa ng ulo.      

      "At saka, naalala mo ba iyong sinabi mo sa akin?" 

      "May sinabi ba ako sa iyo? Hindi ko matandaan kung mayroon ba," nagmamaang-maangang sagot ko sa kanya. 

      Nagulat naman ako ng bigla niya akong niyakap ng mahigpit. 

       "H-hoy! B-bawal ang PDA rito sa school namin," nauutal kong sabi habang pilit siyang itinutulak papalayo sa akin. 

       Hindi naman dahil sa hindi ko gusto. Ayaw ko lang marinig niya ang malakas na pintig ng aking puso. Itong puso kong pangalan niya ang laging laman at isinisigaw. 

      "Alam ko. Gusto ko lang malaman ng iba riyan na may nagmamay-ari na sa iyo," marahang bulong niya sa kaliwang tenga ko. 

      "Hindi pa kita sinasagot noh!" malakas na sagot ko sa kanya. 

      "Ikaw na ang nagsabi ng hindi pa... sabi mo pa nga na sasagutin mo ako pagka-graduate natin ng kolehiyo. Ilang buwan na lang din naman iyon," simpleng pahayag niya sa akin.  

      Grabe talaga ang memorya ng lalaking ito. Ilang taon na rin ng sinabi ko iyon, pero tandang-tanda niya pa rin. 

       "Wala namang aagaw sa iyo. Wala ngang nanliligaw sa akin dito sa school," mahinang sabi ko sa kanya. Pilit ko pa ring tinatanggal ang mga kamay niyang mahigpit na nakapulupot sa akin. 

      "Manhid ka kasi. Basta sa akin huwag kang maging manhid. Masasaktan ako. Excited na nga akong maging sa iyo," pabirong sabi niya. 

       "Pag-iisipan ko," bigla ko na lang nasabi. Mabilis niyang tiningnan ang aking mukha. Ang mga kamay ay mahigpit na ngayong nakahawak sa aking magkabilang balikat. 

      "Sabi mo iyan ha? Nakahanda na nga ako ng ireregalo ko sa mga kapatid mo." 

        Nawala bigla ang ngiti sa aking mga labi. Naging blangko ang aking mga mata at alam kong bahagya akong namutla. 

      Marahas kong itinulak papalayo sa akin si Rex. Nagulat siya at biglang nanlaki ang mga mata ng may matandaan. 

      "Paula... Sorry, nabigla lang ako. Sobra lang kasi akong natutuwa," sabi niya na pilit lumalapit sa akin. Umatras naman ako ng ilang hakbang papalayo sa kanya. 

      "Mauna na akong uuwi Rex. Huwag mo na akong ihatid pauwi ng bahay. Kaya ko na ang mag-isa. Palagi naman..." malumanay kong sabi. 

      Tahimik akong umalis kaagad. Nagmamadali akong umuwi ng bahay. Na dalawang kanto lang ang layo sa paaralan. 

CIRCUMSTANCESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon