KIEN'S POV
Na dito ako ngayon sa padis para mag relax relax, sobrang stress nako sa ama kong ipinipilit na pakasalan ko ang babaeng hindi ko naman gusto. Ilang beses ko ng ipinaliwanag ng maayos sa kanila na ayoko kay Erah dahil hindi ko naman sya mahal pero paulit ulit din nilang sinasabi na kailangan ko ng mag asawa kung wala daw akong maihaharap sa kanila na pakakasalan ko sa ayaw man daw o sa gusto ko ay papakasalan ko si Erah.
d -_- b
"Kainis hindi ko maintindihan! Pinapangunahan nila ako ahhh!"
Ginulo ko ang buhok ko dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Paano ako makakahanap ng gusto kong makasama bumoo ng sariling pamilya kung ni girlfriend ay wala ako? Tsk!"
Muli akong nag salin ng alak sa baso ko at mabilis din nilagok ito humahagod ang lasa ng alak sa lalamunan ko, madami na rin akong nainom ramdam ko na ang tama ng alak sa sistema ko. Nanatili akong nakaupo ng ilang minuto bago napag disisyonang umuwi.
"Kahit paano na wala ang isipin ko."
Iiling iling pang bulong ko bago tuluyang sumakay sa kotse ko. Nasa kalagitnaan ako ng pag mamaneho ng tumunog ang phone ko, kakapa kapa kong kinuha ito at tinignan pa kung sino ang tumatawag bago ko tuluyang sagutin.
*Jasper is calling*
"Oh? Anong kailangan mo?"
"HA-HA-HA mukhang badtrip ka na naman brotha ah?"
"Tsk! Oo kaya wag mo ng badtripin lalo!"
"Hulaan ko? Ipinipilit na naman ni Dad na pakasalan mo si Eurica Erah Mendez na hindi mo naman gusto? HA-HA-HA"
"Ano pa bang bago? Tsk pwede ba anong kailangan mo Kian Jasper Chavez? Nag dri'drive ako kaya kung wala ka namang importanteng sasabihin pwede ba wag kanang mang inis!"Sarkastikong usal ko. Tsk! Ipinaalala na naman badtrip talaga tong taong to kahit kelan!
"Chill brotha masyado kang mainit HA-HA-HA! Gusto ko lang sabihin sayo na na dito ang future wife mo kanina ka pa hinihintay."
"Whaaat? Anong ginagaqa ng babaeng yan dyan? Badtrip! Tsaka pwede tigil tigilan mo kaka future wife mo dyan dahil hindi ko gusto makasal sa babaeng hindi ko naman mahal!"Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko bago muling nag salita, sumasakit yata ang ulo ko badtrip!
"Sabihin mong hindi ako makakauwi may inaasikaso ako kaya umuwi na sya. Salamat, bye!"
Narinig ko pang tumawa ang nasa kabilang linya bago ko tuluyang maibaba ang tawag.
"Sinabi ko na sa kanyang hindi ko sya pakakasalan pero ang kulit kulit nya! Dumadagdag sa sakit ng ulo ang babaeng yun tsk!"
Wala sa sariling kinakausap ko ang manubela na para bang maiintindihan ako nito at sasagot. Lumiko ako sa unang eskinita short cut ito papunta sa Vista Village kung saan naroon ang bahay namin ng kapatid ko actually kay Jasper lang talaga ang bahay na to dahil sya ang bumili nito pero madalas din naman akong na dito kasama sya, mas madalas nga lang syang na dito kasama ang mga babae nya, oo mga babae nya dahil iba't ibang nababae ang dinadala nya dito linggo linggo napaka chickboy tsk!
May sarili akong bahay sa telement at ako lang ang nakakaalam non wala rin naman akong balak ipaalam sa kanila dahil doon ako nag pupunta tuwing kelangan ko mag isip o mag desisyon, doon din ako nag pupunta pag malungkot ako at kailangan ko ng matinding pahinga dahil napaka aliwalas ng paligid doon walang polusyon, sariwang hangin, dagat na masarap pagmasdan lalo na ang sunrise at sunset na madalas kong panoorin, nag tataasang puno na mas nakakadagdag sa masarap na pakiramdam.
Nasa kalagitnaan ako ng pag dridrive at pag iisip ng mapahinto ako sa karatulang nakaharang kung saan ako dadaan.
The road is not available
YOU ARE READING
My Lady Gangster
RandomAko si Kien Jacob Chavez ang mag mamamahal sa isang Lady Gangster.