Ganito nalang ba palagi
Umiiyak at humihikbi
Sa isang tabi
Habang ika'y masaya't nakangiti
Ano ba ang aking pagkukulang
At ako'y iyong iniwan lang
Binigay ko naman sayo lahat
Pero para sayo hindi pa sapat
Sawa ka na ba sa akin
Ano ang dapat kung ibahin
Sabihin mo lang sa akin
Agad kung babaguhin
Siguro nga't ito ang ating tadhana
Na di tayo para sa isa't isa
Para dina lumuluha
Para lang sa wala
Hindi na ako aasa pa
Pagkat masakit na
Ang aking nadarama
Pag ika'y nakitang may kasamang iba
Titigilan na kita
Para maging masaya ka na
Kasama siya
Kasi mahal kita
Kahit ako'y masaktan
Sayong paglisan
Kakayanin ko
Para sayo
Ang mahalaga
Ikaw ay masaya
Sa piling niya
Habang ako dito nagsasayang ng luha
Paalala:Huwag mong sayangin ang LUHA mo sa taong sinaktan ka di siya worth it.~MISS AUTHOR
BINABASA MO ANG
20 Tula Para Sa Mga Iniwan
PoetryMga tula para sa mga iniwan Tulang magpapaiyak sayo kasi totoo Basag ka kasi Real talk talaga.
