Lahat ng feelings ko sayo
Isinulat ko sa isang kapirasong papel
Na dahan dahan kong nilulukot
Kasabay ng mga patak ng luha
Kong panay ang agos
Bakit nga ba?
Bakit nga ba umabot ako sa puntong Ito?
Na ako na yung kusang sumusuko sayo
Na handa na kong lumayo sayo
Na handa Ng magparaya sa bago mong minamahal
Na handa Ng lumisan para maging masaya ka na
Kasi hindi ko na Kaya
Hindi ko na kayang manatili pa
Sa pagmamahalang ako lang yung nagmamahal
Sa pagmamahalang ako lang yung nasasaktan
Sa pagmamahalang ako lang yung lumalaban
Eto na...
Itatapon ka na
Ang kapirasong papel na nilukot ko
Kasama ng pagtapon ng feelings ko sayo
Sa puntong Ito
Handa na talaga ako
Paalam na sayo
BINABASA MO ANG
20 Tula Para Sa Mga Iniwan
PoesíaMga tula para sa mga iniwan Tulang magpapaiyak sayo kasi totoo Basag ka kasi Real talk talaga.
