(JanePOV)
Hinila na ako ni renz palabas ng mall
"Okay lang ba na kahit sa bahay nyo muna ako baka kasi nakakahiya sa parents mo"
Tanong ko sa kanya kahit papano may hiya din naman itong magandang mukha ko
"Dont worry!! Mabait ang mga parents ko di sila masungit no!"
Nagpout sya at naglakad na kami papuntang parking lot ng mall naiisip ko padin sila jasmine baka nag aalala na sila bakit kasi naiwan ko pa yung cellphone ko di sana naka text ko sila at na inform ko sila kung nasaan ako ang tanga ko naman eh
"Tara sakay ka na"
Pinasasakay ako ni renz sa isang kotseng maganda color red ito mukang mamahalin talaga mayaman kaya itong si renx
"Wew sayo yan"
Tanong ko sa kanya wala naman kasi sa mukha nya na may kotse sya pero cute talaga sya
"Wala ka bang tiwala sa akin"
Sabay kindat manyakis talaga itong lalaki na ito eh
"Sige na po sasakay na ako"
Sabay pasok sa kotseng kulay pula anlamig dito anlakas ng aircon dito sa kotse
"Saan ka ba nakatira"
Tanong ko sa kanya habang nagmamasidmasid padin ako
"Secret"
Sabay kindat nya ulit nakakainis to! Tatanong lang kung saan nakatira tapos secret kainis naman
"Ano ba yan! Mamaya kung saan mo ako dalhin"
Pasigaw kong sabi dito nabigla sya sa sigaw ko
"Ahahaha ano ka ba naman wala ka bang tiwala sa mukha ko"
Sabi nya sa akin paulit ulit nanaman sya
"Meron naman"
Sabi ko dito may nakita akong pagkain sa kotse nya
"Sayo yang pagkain"
Tanong ko sa kanya kahit kailan talaga ang kapal ng pagmumukha ko nagugutom na din kasi ako eh
"Aah yan ba gusto mo ba sige kumuha ka wag lang madami huh! Tataba ka sige ka"
Ako tataba gusto ko nga iyon kasi medyo payat ako sexy for short
"Di maganda gusto ko kaya tumaba"
Sabi ko dito sabay kuha sa pagkain na nasa likod ng upuan ko puro chocolates sya ang dami sasakit ngipin ko neto
"So pag tumaba ka di kana sexy"
Sabi naman nito sabi ko sa inyo sexy ako eh
"Ewan ko sayo"
Kinain ko na lang yung chocolate and patuloy syang nag dridrive inaantok naman ako humikab ako
"Aaaah"
Sabay unat ng kamay
"Inaantok ka na ba"
Tanong sa akin ni renz
"Oo gusto ko nang matulog"
Sabi ko dito sabay sandal
"Sige matulog ka muna gigisingin na lang kita pag nasa bahay na tayo"
Sabi nya naman nakakahiya man pero matutulog na lang ako pinikit ko ang mata ko at nakatulog na ako
(StevenPOV)
BINABASA MO ANG
My Princess From The Squater [EDITTING]
RomanceAll Rights Reserved 2014 ©ShesAmbisyosa