MPFTS18

414 3 1
                                    

(StevenPOV)

"Kuya gusto ko yun" Turo ni kendra sa akin, Binili ko yung tinuro nya sang stuff toy na doraemon, Nasa Mall kami naisip ko lang ipasyal sila di ko na din sila napapasyal eh, Hanggang may tumawag sa akin si tristan,

"Steven" Tawag sa akin ng malakas ni tristan lumapit ako sa kanya may kasama syang babae

"Ohh Tristan" Sabi ko kay tristan

"Sino yan GirlFriend mo?" Girlfriend nya ba yun bakit nagtatakip ng mukha

"Soon pare?" Inakbayan nya yuing babae tinangal na nito yung pagkakatakip nya ng kanyang kamay sa mukha si jane pala anong ginagawa nila

"Hi" Bati sa akin ni jane

"Naka recover ka na?" Tanong ko sa kanya, Gusto ko lang ipaalala yung kahapon para malaman naman ni tristan, Yung ginawa namin, Bad ko no?

"Aahh Oo" Nahihiya nyang sagot, Bakit may sugat sya sa lips napansin ko yun, Kahapon din siguro yun hihiho its revenge time slight revenge

"May sugat ka sa lips" Hinipo ko yung lips nya tinangal nya naman ito, Yari ka sa akin

"Sa kiss ba yan?" Lumapit ako sa mukha nya nakatingin sa aming dalawa si tristan

"Kiss?" Tanong ni tristan, Tinignan ko muna yung dalawang kapatid ko baka nawawala na,

"Yes kiss" Nakatitig ako kay tristan

(JanePOV)

"Yes Kiss" Haluh? Anong ginagawa nya baliw ba sya

"Kiss di ko magets?" Napakamot ng ulo si tristan bwiset si steven sasabihin nya ba?

"Kiss namin ni jane" Nanlaki yung mata ko sa sinabi nya di ako makagalaw sa pwesto ko

"Nag kiss kayo?" Tumingin sa akin si tristan

"Ahh mali,Oo nag kiss kami sa cheeck nagpasalamat kasi ako sa kanya kahapon kaya kiniss ko sya sa cheeck" Nilakihan ko ng mata si steven

"Oo tristan" Tumango si steven

"Akala ko kung ano sige mauna na kami hahatid ko pa sya, Bye kendra, Bye kyla" nag babaye si tristan sa dalawang kapatid ni stevn

"Bye kuya tristan" di na ako nakapag babye sa dalawa. Bagay sila para sa revenge ko!!

(JanePOV)

Natapos na kami mag window shopping, kumain at iba pa ni tristan, kinabahan din ako kanina dahil, akala ko sasabihin talaga ni steven yung kiss namin, Kainis lang yung taong iyon,

"Hatid na kita sa inyo?" Ayoko sanang mag pahatid kasi nakakahiya ang bahay ko. Pero nakapunta na naman sya eh

"Sige" Nginitian ko sya hinawakan nya ang ulo ko at ginulo ang buhok ko

"Tara bili tayo pasalubong para sa family mo" sabay hinawakan nya yung kamay ko *Holding hands* Nabigla ako sa ginawa nya tinitigan ko yung kamay naming dalawa

"Anong tinitignan mo dyan? Tara na" hinila nya ako, di ako makagalaw naiilang ako, kasi first time kong mag kaholding hands ng isang lalake parang ang sarap lang sa pakiramdam, Maraming tao ang nag titinginan sa amin kaya medyo na iilang ako,

"Aah ano ba gusto nila?" Tanong ni tristan nakatingin sya sa mga mata ko

"Aah kahit ano?" Fake smile na lang ang nagawa ko nailang kasi talaga ako

(ThirdPersonPOV)

Natapos ng bumili ng pasalubong si tristan at jane para sa family ni jane, Inalis na din nila ang holding hands dahil baka kung anong isipin ng mga taong kapitbahay ni jane sa kanila, Hinatid ni tristan si jane sa iskinita

"Dito ka na lang sure ka" tanong ni tristan kay jane nag aalangan sya dahil baka kung anong mangyari dito pag umuwi sya mag isa dahil medyo madilim nadin dahil mga 6:00 pm nadin sila umuwi masyado kasi silang nag enjoy kasama ang isat isa

"Oh eto" inabot ni tristan ang pasalubong nila para sa family ni jane, Medyo nahihiya si jane sapagkat sa totoo lang di gaano ang pagmamahal nya kay tristan dahil mas nananaig padin ang pagmamahal nya para kay steven

"Salamat" Hinalikan ni tristan ang noo ni jane, kaya natulala ulit ang dalaga, first time nya din mahalikan sa noo, naisip nya tuloy ang sinabi ng papa nya "Anak alam mo ba kung sino ang tunay na nagmamahal sayo hindi sa lalaking dadampi ang labi nya sa labi mo, Kundi dadampi ang labi nya sa noo" naalala nya iyon kaya tumulo ang luha nya napansin ito ni tristan

"Bakit ka umiiyak" nag alala si tristan kung bakit umiiyak si jane, kinuha nya ang kanyang panyo sa kanyang bulsa at ipinunas sa mga pisngi ni jane kung saan dumaloy ang kanyang luha

"Wala to? Salamat ulit" Tumalikod na si jane, kay tristan at nag lakad papalayo kay tristan, Nakatingin lang si tristan sa kanya nag aalala padin ito sa kanya natatanong sa isip ni tristan kung ano ang nangyayari kay jane

"Mag ingat ka" sigaw ni tristan di naman lumingon si jane sa dami ng kanyang iniisip isa pa dito ang pa ka miss nya sa kanyang papa kaya napatulo lalo ang luha nya, Umalis na si tristan sa kinalalagyan nya,

Nakarating na si jane sa bahay nila, Napawi na ang lungkot na nadarama nya dahil nag isip sya ng masaya, iniabot nya sa kanyang bunsong kapatid ang pasalubong nya, dumiretso na lang sya sa sahig at humilta, kinuha nya ang unan sa may ibabaw ng aparador nila, Kinuha nya yung cellphone nya, at may mga nagtext sa kanya, Bumungad sa kanya ang text ni steven

"Jane, Sorry kanina huh? Nabigla din ako" naisip ni jane na kung ano nanaman ang pinag iisip ng lalaking ito? Naiilang na sya kay steven dahil sa nangyari nung isang araw sa halik nila, sobrang nagulat si jane ng dumampi ang labi ni steven sa labi nya

"OKAY lang" CapsLock na reply nya para malaman naman ni steven na sa kabaliktaran ng okay na yan ay hindi dahil muntik ng malaman ni tristan yung kiss nila.

-----

My Princess From The Squater [EDITTING]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon