TFSF 26

2.9K 70 20
                                    

ALEENA'S POV

Today is a very different Saturday. 

Pagkatapos kong kumain at ayusin ang sarili ko ay kinuha ko ang phone at wallet ko sabay lagay nito sa loob ng sling bag ko. Di na kailangan mag-ayos, naka t-shirt at pants lang ako tsaka low-cut shoes. 

"I love you Mommy Akee..." nakangiti ako habang tinitingnan ang picture frame na nakasabit malapit sa pinto ng bahay ko.

Ngayon ang death anniversary ni Akeera Lopez. Ang babaeng umampon sakin. Ang nag-iisang pamilya ko... Naaalala ko pa dati nung sinabi ni Mommy na may sakit siya, iyak ako ng iyak nun. Kasi ang inakala ko ay marami lang injection ang itutusok sakanya, maraming mga tubo na ikokonekta sa katawan niya, magtatagal siya sa ospital, iinom ng mga nakakadiring gamot, at kakain ng mga walang lasang pagkain ng ospital. I thought she'd only be hospitalized and would suffer the torture of the hospital but then I was wrong...

"Misty, anak... Sorry kung di ko masasagot ang lahat ng mga tanong mo ah? Aalis na kasi si mommy, pupunta na ako sa mas maayos at magandang lugar." that was the first time na tinawag ako ni mommy na Misty, she always call me Aleena. Kaya Aleena kasi galing yun sa Akeera, but Misty is always a mystery for me. Hindi ko alam kung san galing ang pangalan na yun...

I also remember begging mommy Akee to take me with her pero nginitian niya lang ako at umiling. "Marami ka pang dapat malaman, anak." Pagkatapos nun ay tiningnan niya si tito Allan na nasa likod ko at karga-karga si Hayley. "Ikaw na bahala kay Misty." Tinanguan din siya ni tito.

Pagkatapos nun ay nakita ko na lang na yung line na parang tumatalon sa monitor sa gilid ni mommy ay naging straight... Wala na siya, she went to a better place...

Papunta na ako sa sementeryo. Dapat may group activity kami ngayon eh, and ang nakakatawa ay ang mga groupmates ko. Nathan, Shaun, Tracey, Gab, Ethan, and sige isali na lang natin si AM. Ewan ko kung bakit natutuwa ako sa grupo ko, siguro dahil andun yung mga hindi magkasundo-sundo. Pero I have my first priorities and it is to visit my foster mother. 

Dala-dala ko ang isang basket ng bulaklak at kandila na binili ko sa labas ng sementeryo, binati si Kuya Don, ang guard ng sementery. Kilala na niya ako kasi nung mga first two years ng pagkamatay ni mommy ay araw-araw ako dito. I can't move on.

Inalis ko ang mga natuyong dahon sa lapida ni mommy...

AKEERA ELIZABETH MADRIGAL-LOPEZ

June 11, 19** - November 13, 19**

Sinindihan ko ang kandila at nilagay ang bulaklak sa gilid neto. I smiled at the cold marble. "Hello mommy... Andito na naman ako, ang makulit mong si Aleena. How are you there? Masaya ba dyan mom? Dito kasi napakahirap..." Ngumiti ako ng napaka-pait. "Mom, san ba ako galing? Sino ba ako nung hindi mo pa inaampon? Napakahirap po na walang nanay at tatay na ilalagay sa mga forms na binibigay ng school, sa mga parents' meeting, sa family day. Buti na lang andito parin si Tito Allan at Hayley. Mom, alam mo ba may boyfriend na si Hayley and you wouldn't believe who..." tumawa naman ako. "Si Lester Kyle po, kapatid ni Nathan, yung kinukwento kong kaibigan ko na gusto ko." napa-blush naman ako sa kinukwento ko kay mommy, buti ako lang mag-isa. Hahahaha. "Secret lang natin yun mom ah? So ayun si Hayley, masaya. Si Shaun? Di ko po alam. Dami kong kwento tungkol sa iba mom no? Tungkol sakin? Nahihirapan na ako, kasi minsan talaga naiisip ko kung sino ako kung hindi ako iniwan ng mga tunay kong magulang. Hindi sa hindi ako nagpapasalamat sayo sa pag-ampon mo sakin. Mom, I owe you everything at buong buhay kong tatanawin na utang na loob yun. Pero mom, sino nga ba? Di ko kasi alam kung sa ampunan mo ba ako nakuha o ano pero bigyan nyo po ako ng clue mom ah? Wag mo akong pababayaan. I love you mommy, di na ako iiyak ah? Kasi alam ko namang malulungkot ka dyan. Sorry kung di ko sineryoso dati yung sabi mong aalis ka na sa mas magandang lugar, di ko naman po alam na bawal pala bata dun. Hahahaha. Pero seryoso mom, sorry for not spending more time with you, dapat sumasama ako kay tito Allan nun sa pagsama sayo every chemo mo instead of playing dolls with Hayley, pero wala na mommy eh. Andyan ka na, masaya at mapayapa. Wag mo akong pababayaan mommy, marami pa kasi akong dapat malaman. I love you po." 

The Future Seeker's Future (KathNiel fanfic- Castillo Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon