Unang pag kikita.

16 0 1
                                    

Nag simula to sa isang iskwelahan . grade 6 . :D syempre

Maluwag (abnormal) pa ko nun.

Suntukan pag may nangangasar sumbong kay teacher iyak sa gilid lapit si ngangasar sabay sorry at bati na kayo . away bata ba.

Ito talaga simulan ko na yung kwento. Pinahaba ko lang para may intro.

~Bago mag Valentines day nun. May activity kami sabi ni teacher mag bigay daw ng letter sa special someone at ibibigay bukas sa pag bibigyan ayiieee..

Pero ako wala akong mapapag bigyan nun at yung bestfriend ko na si james.

Kaya nag isip ng palano si james.

James: punta tayo sa canteen hintay tayo dun!

Ako: ano hihintayin natin dun.

James: basta mag hitay tayo dun.

Pumunta nga kami sa canteen.

At may sinabi si james habang palapit kami sa pasukan ng canteen.

James: unang bumaba sa hadanan at pumasok sa canteen yun yung pag bibigyan natin.

At umo-o naman ako sa plano niya.

At di rin nag tagal may bumaba. Dalawa sila yung isa tsinita na singkit at kulot. at yung isa naman. Chabi na maganda at maputi at mas ahead samin 1st year highschool sila.

~sinuntok ako sa braso.

James: oy may bumaba na sayo yung kulot.

At umo-o nalang ulit ako.

At bumalik na kami sa room at nag isip kung ano ang ibibigay doon sa pag bibigyan namin.

Nakakahiya yun kasi di panamin kilala ng lubusan at highschool at grade 6 kami nun baka di kami pansinin.

At yun nakaisip na si james ano ang e bibigay.

James: mag dadala ako ng dalawang staff toy at ikaw dala ka ng chocolate dalawa.

Ako: osige mag dadala ako bukas.

At ayun uwian na.

At nakauwi sa bahay.

Nag hanap ako na pwede pang ibigay . para hindi lang chocolate ang ibigay ko at sakto may nakita akong panyo sa bahay na hindi gamit na naka plastic pa hindi na ko nag paalam sa nanay ko kinuha ko nalang agad.

~kinabukasan. Valentines day na.

Bumili ako ng chocolate na dalawa malapit sa school.

At pumasok na sa loob ng school at pumasok sa room.

Nakita ko agad si james may dala nga siyang staff toy. Isang cartoon character at isang anime character na staff toy

At akin yung cartoon character na staff toy.

At yun gumawa na kami ng letter.

Naalala ko nilagay ko dun sa letter na ginawa ko.

To. You

Happy valentines day sayo ingat ka lagi aral mabuti sana magustuhan mo yung mga binigay ko sayo.

From. Your secret admirer.

At yun natapos na kami parehas ni james gumawa ng letter at nilagay sa paper bag ang mga e-bibigay. At pinasa na sa teacher at siya mag bibigay sa pag bibigyan.

~ nakakahiya kaya di mo close bibigyan mo at lalagyan mo ng secret admirer sa dulo kaya naisip namin ni james na yung teacher mag bigay kasi siya ang nag papagawa nun .

Oras na para ibigay ang mga yun pumunta na yung teacher sa room nila

At kami ni james sinundan yung teacher at nag tago para malaman kung ano ang magiging reaction nung dalawa pag nabigay na

At yun nabigay na ng teacher namin yung paper bag at narinig ko sabi nun kulot.

Kulot: mam kanino galing to?

Teacher: basahin mo na lang kanino galing.

Sabay tawa yung teacher.

At yun sabay balik na kami ni james sa room.

~Habang nahihiya kaming dalawa sa ginawa namin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ikaw parin kaya?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon