BEING A WATTPADER
written by:cutyy_minCHAPTER 1: NEW CLASSMATE
FRAVEN'S POINT OF VIEW.
Nakakawalang gana ang pag pasok sa eskwelahan. Dahil hindi gaya ng nababasa ko sa wattpad. Nakakabagot. Ayoko kong pumasok.
"Hoy! Fraven! Tumayo kana diyan. Papasok ka pa!" Mom shouted at me.
Inaantok pa ako, masyado pang maaga.
"Ayokong pumasok ma!" inaantok kong sagot kay mama.
"Anong ayaw mong pumasok!!" galit na sigaw ni Mama sa akin. At bigla niya akong pinaghahampas ng unan, dahilan at mapaupo ako.
"Mama! Ayoko ngang pumasok eh!" inaantok ko muling sabi. Pero ayaw ni Mama'ng mag patalo pinaghahampas niya pa rin ako ng unan dahilan at tuluyan akong mapatayo.
"Paano ka niyan makakakuha ng magandang trabaho kung ayaw mong mag aral. O siya tumayo kana diyan malelate kana." sigaw ni Mama at saka lumabas ng kwarto ko.
Walang gana ang paaralan. Mas guhustuhin ko pang mag stay sa bahay at basahin ang sangkatutak kong libro sa wattpad.
Lumabas na ako ng kwarto ko. At nagsimula nang bumaba. Nakita ko si Kuya at Ate na madaling madali na para bang mahuhuli na sila.
"Fraven, wag mong sstressen si Mama. Aalis na ako." bungad na sabi ni Ate sa akin. At saka nag iwan ng pera sa ibabaw ng lamesa.
"Fraven, magpakabait ka. Wag kang mag papasaway kay mama. Kung gusto mong bilhan ulit kita ng bagong libro." sambit naman ni Kuya na nag mamadali rin at nag iwan rin siya ng pera sa ibabaw ng lamesa.
Ang perang nasa lamesa ay para sa akin. Lagi silang nag iiwan ng pera sa lamesa, dahil ayon daw ay baon ko.
"Opo, Ate Kuya!" mabilis na sagot ko. At agad kong kinuha ang pera na inilagay nila sa lamesa. Sinundan pa namin ng tingin ni Mama si Ate at Kuya. Hanggang sa makasakay na sila sa Kotse at nakaalis na sa bahay.
"Basta pag pera ay mabilis kapa sa kuneho." nakakagulat na sambit ni Mama.
"Mama ayoko pong pumasok, masakit po ang tiyan ko." pagsisinungaling ko kay Mama.
"Naku Fraven, hindi na sa akin uubra yan. Maligo kana!" sigaw sa akin ni Mama.
Nakakainis, ayokong pumasok. Nakakatamad.
Tamad akong naglakad papuntang banyo upang maligo.
"Anak, bakit ganyan ka kumilos?" nag aalalang tanong ni Papa
Si papa ang lagi kong takbuhan pag pinapagalitan ako ni Mama, dahil lagi niya akong pinagtatangol. Ang sabi nga nila ay masyado daw akong iniispoild ni Papa. Eh sadyang mabait lang sa akin si Papa dahil ako ang bunso niya.
Pero si Mama ay galit na galit sa akin.
Dahil ilang taon na daw akong nag aaral ay lagi akong may mga bagsak na subject."Pa, ayoko pong pumasok." paglalambing ko kay papa.
"Aba eh, ayus lang kung hindi ka pumasok anak." nakangiting tugon ni papa sa akin. Kaya naman napangiti rin ako, abot hanggang tenga.
"Anong hindi papasok!" sabat ni Mama. "Subukan mong hindi pumasok. Kung gusto mong makitang nasusunog ang pinakaiingatan mong libro." pagbabanta ni Mama. Na tila ba nakapaninindig balahibo.
YOU ARE READING
BEING A WATTPADER
FantasyI never regret, na naging isa ako sa nababaliw sa wattpad. Hindi niyo ba alam na dahil sa wattpad na ito ay nakakilala ako nang taong mag mamahal sa akin. He deserve my loved and i deserve his love. We loved each other!! (kaya sa mga wattpader d...