WARNING:
DEPRESSING ANG KWENTONG ITO.
++++++++++++++++++++++++++++
Bagong lipat kami sa bahay na yun. Hindi ko alam kung paano kami magsisimulang ng anak ko, iniwan kasi ako ng asawa ko, sumama sa ibang babae kaya nagpasya na kaming lumipat dito sa probinsya para ilayo ang anak ko sa kalokohan ng Ama nya.
Ako si Marinel, Batang ina, kinse anyos lang ako ng ipinagbuntis ko si Kaye. Mag-pipitong taong gulang na sya bukas. Pilit namin kinakalimutang dalawa ang mapait na sinapit namin sa piling ng ama nya.
Sa gitna ng bukid ang kinatayuan ng nilipatan namin. Malaki ang bahay. Gawa sa Narra ang mga pinto. May bakal na haligi ang bintana. Tahimik at mura ang upa.
"Mama... Pupunta po ba si Papa dito?"
"Hindi ko alam, Anak."
"Bakit di po natin sya kasama dito?"
Nanahimik ako sa puntong iyon. Hindi ko masagot ang anak ko. Anong ipaliwanag sa kanya? Hindi ko alam.
"Anak, Birthday mo na bukas. San mo gusto pumasyal?"
"Dito na lang po Mama. Mag-piknik na lang po tayo dyan sa labas."
"Happy Birthday Anak. Sensya ka na kay Mama huh¿ Bawi na lang ako kapag naka hanap na ng trabaho si Mama dito."
"Ok lang po yun Mama. Basta paglaki ko, ako na po ang mag-aalaga sa inyo ni Papa."
Di ko maiwasang tignan ang mukha ng anak ko.
"Basta ito ang lagi mong tatandaan, Mahal na mahal ka ng Mama. At kahit anong mangyari, pagsisikapan kong makapagtapos ka kahit Highschool."
"I love you Mama. Sana po magkasundo na kayo ni Papa. Nami-miss ko na po sya. Sana po nandito sya bukas sa Birthday ko."
"May tamang panahon para sa lahat."
R-i-i-i-i-i-i-i-n-n-n-n-g-g-g!!!
R-i-i-i-i-i-i-i-n-n-n-n-g-g-g!!!
Unknown number ang tumatawag sa akin. Malamang, Ama ni Kaye ang tumatawag. Sinagot ko na lang.
"Ano nanaman bang problema mo?! Hindi ka pa ba kontento sa mga kabalbalan mo?!"
"Mari, pag-usapan naman natin to oh¡ Nagmamakaawa ako¡ Alang - alang na lang kay Kaye¡"
"TIGILAN MO NA KAMI NI KAYE, PHILIP!!!! SAWANG SAWA NA KO SA MGA KAPUTANGINAHANG KAHAYUPAN MO!!! WAG KA NANG MAGPALIWANAG!!!! HULING-HULI NA KITA SA AKTO, IDE-DENIE MO PA!!!!!! LETCHE KA!!!!! WAG KA NANG TATAWAG HUH???!!!!!"
Ibinaba ko agad ang celfone ko sa sobrang galit at pang-gigigil, hindi ko namalayang naghahapunan kami ni Kaye at umiiyak sya sa tabi ko. Ewan ko ba, depressed ako.
"Anak, Pasensya ka na kay Mama."
"Wag na po kayong mag-away ni Papa kasi po baka hindi ko po kaya."
Pinunasan ko na lang ang mga luha nya sa mata.
"Basta Anak paglaki mo magiging mabait kang bata huh. Wag mong tutularan ang Mama."
"Opo, Mama."
"Sige na maghilamos ka na. Matutulog na tayo."
Birthday nya bukas, kailangan ko sya mapasaya kahit wala si Philip. Bibili ako ng Cake sa bayan kahit yung simple lang.
7:00 pm
Malamig ang paligid na dala ng hangin. Hindi na namin binuksan ang bentilador. Pinapatay namin ilaw pag-tulog. Napakatahimik ng solar at kami'y nahihimbing.
BINABASA MO ANG
Mama!, May Tao sa Bintana!
Mystery / ThrillerSigurado ka ba sa Bagong Bahay na nilipatan mo? Sa Gitna ng Bukid? Malayo sa Kabihasnan? at sa pagkagat ng dilim... "Mama, Sino yun?" Ikandado mo na ang Bahay mo! Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events a...