"MAMA!, MAY TAO SA BINTANA!" Second & Final Part

89 3 2
                                    

Agad akong pumanik ng hagdan. Lumubog ako pagdating sa gitnang baitang. Agad akong bumangon at pumanik paakyat muli ng hagdan.

"KAYE!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"MAMA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!"

Humihiyaw pa rin ang anak ko mula sa ilalim ng lamesa.

Pagdating ko sa kusina, binubuksan ng naka-jacket ang bakal ng bintana gamit ang isang Phillip's Screw Driver.

"TANG INA MO!!!!!! TIGILAN MO NA KAME!!!!!!"

Inasinta ko sa braso ng naka-jacket ang hawak kong Airgun. Sumisagaw sa takot si Kaye. Tinamaan sa kamay ang naka-jacket at nawala itong bigla.

Sa puntong iyon ay pagod na pagod na kami ng anak ko. Napahalumpasay ako sa tabi.

8:00 pm

"Ma?"

Ginising ako ni Kaye.

Trenta minutos na pala kaming nakatulog sa kusina.

Nawalan pala ako ng malay.

Nakabawi din ako ng lakas maski papaano.

Niyakap ko si Kaye.

"Ayos ka lang ba, Anak?"

"Mama, ayoko na po dito! Bumalik na po tayo sa Manila!"

"Oo anak, babalik na tayo pagkatapos nito. Magpakatatag ka huh."

"Ayoko na po, Ayoko na po. Huhuhuhu..."

Tumulo ang luha ko habang nakikita ko ang anak kong natatakot sa mga panyayari.

Ilang saglit pa...

R-i-i-i-i-i-i-i-n-n-n-n-g-g-g!!!

R-i-i-i-i-i-i-i-n-n-n-n-g-g-g!!!

Nag-ring ang Celfone ko. Tumutunog ito sa bandang kwarto sa may bintana.

May kumakaluskos nanamang kadena.

Alam ko na sya yun.

Yung naka-jacket pupunta sa bintana.

Kumaripas ako ng takbo papunta dun sa kwarto para unahan sya sa pagkuha ng celfone ko sa may bintana ng kwarto.

Agad kong nakuha ang celfone ko. Muntikan na rin mataga ang kamay ko mabuti na lang at sugat lang.

Madali kong sinagot ang tumatawag sa celfone.

"Mari?"

"H-H-HELLO!!!! PHILIP????!!!!! PHILIP!!!!!!!!!!! TULUNGAN MO KAMI!!!!!!! MAY GUSTONG PUMATAY SA AMIN DITO!!!!!!!!! HUHUHUHU BILISAN MO!!!!!!!!!"

"Nasan kayo?!"

"NANDITO KAMI SA SANTA ELENA!!!!!! BILISAN MO!!!!!!!!"

"SAAN DYAN?!"

"SA MAY BUKID!!!!!"

BLAGAG!!!!!!!!!!!!

"AAAAAHHHHHH!!!!!!!!"

"HINTAYIN NYO KO NI KAYE! PAPUNTA NA KO!"

"BILISAN MO! BILISAN MO! NAKIKIUSAP AKO! PLEASE! HUHUHUHU!"

"Mari, Mahal na mahal kita."

"PUTANG INA MO PHILIP! MAMAYA NA TAYO MAG-DRAMAHAN! MAMAMATAY NA KAMI NG ANAK MO! BILISAN MO!"

"Oo na! Sige na! Papunta na ako!"

"DALIAN MO!!!!!!!!!!!"

[Dead Battery]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 13, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mama!, May Tao sa Bintana!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon