"Lahat nagbago na"

25 2 0
                                    


Noong natapos na lahat
Kay daming natirang bakas
Unti unting nawawalan ng lakas
Na magpatuloy ng buhay bukas

Nakaupo, sa langit nakatingin
Hanggang kailan ko kaya siya iibigin
Hanggang kailan ang sarili ko'y aawatin
Paano na yung dating pag iibigan natin?

Luhang namuo sa mata
Pinipilit na hindi maluha
Kay lungkot tuwing umaga
Naiisip na nandyan ka pa

Nagmahal na ng tapat
Hindi parin sapat
Isa ka nalang alamat
Sa puso ko'y may lamat

Ako'y nagpaka alipin
Upang sa gayon iyong tanggapin
Makakuha man lang ng iyong lambing
Wala na akong hinahangand kundi ikaw ay makapiling

Makapiling ka hanggang sa huli
Sisikaping ibalik ang dati
Hindi ko hahayaang mawala ang iyong ngiti
Kahit na ang puso ko'y puno na ng pighati

- Polaris

Midnight PoemsWhere stories live. Discover now