THE NEWS-4-

3.1K 32 116
                                    

THE NEWS-4-

Kalat na kalat sa school ang balita na ikakasal na si Rowi kaya maraming mga babae ang broken hearted ngayong araw.Mga hindi makapaniwala,Mga umiiyak at higit sa lahat may narinig pa akong nagbabantang gagawa nang eksena sa araw nang kasal ni Rowi.Kalat na kalat na yung balitang iyon pero hindi kalat kung sino yung babaeng pakakasalanan nito

Maraming nagtatanong kung sino at anong itsura nung babaeng pakakasalan nito.Marami silang katanungan na minsan parang gusto kong sumingit sa usapan.Kahit nga ako nagtatanong din sa sarili ko kung totoo bang ako ang pakakasalan niya o baka ibang babae.Sa totoo lang kasi hindi pa nag sisink in sa utak ko ang katagang kasalan kahit na pumunta na yung mga magulang ni Rowi sa bahay namin nung isang linggo para pag-usapan kung kailan gagawin yung kasal naming dalawa.

Wala nga akong ginawa nun kundi kumain lang nang kumain,Dami kasi nilang dalang imported na pagkain,Syempre para sa patay gutom na katulad ko biyaya yun,hehe.Hindi rin naman nila ako pinasisingit sa usapan nila kaya ayos lang,Bahala sila ginusto nila yun eh,Basta ako gagawin ko kung anong gusto ko.

"Hoy,Bruha!"Anak nang pating muntik na akong mapatalon sa pagkagulat sa ginawang iyon ni Suzy isa sa friendship ko

"Kung makapang gulat ka wagas ah,May balak kang patayin ako?"Tumawa naman ito nang nakakaloko at tinapik ako sa noo

"Gaga!Matagal pa ang buhay mo suwail ka kayang anak"Abat,sino kaya yung suwail saming dalawa,kung makipag sex nga siya sa boyfriend niya wagas-wagas

"Ano namang problema mo at parang susugurin mo ako kung maka hoy ka"

"Talagang kailangan mong sumugod sa gera dahil ikakasal na raw si Rowi my love mo?"

"Ah,talaga?"Walang kagana-gana kong sagot na kinagulat nito

"Yun lang ang reaction mo?Hindi bat.."tinaas ko yung isang kamay ko para patigilin ito sa pag sasalita

"Hindi bat super duper crush ko siya,Hindi bat super duper nagkakandarapa ako sakanya at halos patayin ko lahat ng babaeng nakakasama nito yun ba ang gusto mong iparating"

"Oo!"May patango-tango pa nitong sabi na tinawanan ko lang

"Hindi na ako dapat mamoroblema sa ganyan,Ano naman kung ikakasal na siya eh ako naman ang pakakasalan niya."Tumaas naman ang kilay nito at ilang minutong hindi nakapag salita bago tumawa nang malakas

"You're crazy,haha!sorry friend hindi ko napigil,Ganyan siguro talaga kasakit pag nalaman mong ikakasal na yung nag iisang lalaking pinapantasya mo kaya nagpapantasya ka na rin na ikaw ang pakakasalan niya"

"Hah?"

"Don't worry friend,Alak lang yan,itagay na natin yan!Tara wag na tayong pumasok at mag-inuman tayo,icecelebrate natin ang pagkasawi mo sa pag-ibig kay Rowi."

"Hah?"Tignan mo itong babaeng ito hindi na ako pinagpaliwanag pa at hinila nalang ako

Pinagtatawag pa nito yung iba naming friendship at sinabing hindi ko matanggap na ikakasal na si Rowi sa iba.Ni hindi ko manlang daw natikman,Kawawa naman daw ako.Kung pag sasapakin ko na kaya itong mga ito,Ayaw akong paniwalaan,Mga impakto at impakta at talagang tinotoong mag celebrate kami.umuulan nang alak at pulutan za condo ni Suzy

"tsk,tsk,Sino nga kaya yung maswerteng mapapangasawa ni Rowi"

"Ako nga sabi!"tumingin naman ang mga ito sakin at nagtawanan

"Alam niyo guyz,Kanina pa yan!Pilit niyang sinasabi na siya daw yung pakakasalan ni Rowi,Naloka na ata sa pagkabigo"Hinampas ko naman nang malakas si Suzy sa sinabi nitong iyon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

YOUR HAND TOUCHING MINETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon