Unang Akala

9 0 0
                                    

Nagising ako dahil sa sobrang ingay na nanggagaling sa mga malalakas na katok ng pintuan. Sino naman kaya ang nangahas na bulabugin yung umaga ko.

"ANO!-" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng makita ko si mama sa harap ko.
"Sinisigawan mo ba ako?" Tanong ni mama
"Hindi ma ah! , Ano kasi akala ko si kuya na naman, Pinagtripan niya kasi ako kagabi ma." Palusot ko, Buti nalang talaga at madaling gumana yung utak ko.
"Oh sige na. Bumangon ka na. Malilate ka na sa unang araw mo sa college." Marahang sabi ni mama bago ano iniwan.

Si Mama naman ay isang housewife. Dalawa kaming magkapatid si Kuya Erwann at Ako.

Mabilis akong kumilos ng makitang pasado alas siete na ng umaga. 7:30 pa naman yung unang subject ko.

"Bye ma! " Paalam ko kay mama bago tumakbo palabas ng bahay.

Mabuti nalang at may nakaparada pang Jeep na madaraanan yung school.

Nang makarating ako sa school ay agad ko namang hinanap ang room ko. Nasaan ba dito yung Room no. 108?

Mabuti pang magtanong nalang kesa naman mapagod ako sa kakahula kung saan banda Ito.

"Kuya? Asan ba dito yung Room no. 108?" Tanong ko sa isang estudyanteng nakaupo sa bench.

"Yung nasa dulo nito miss." sabay turo sa isang building na nasa harapan ko.

"Ah okay. Salamat kuya" Pagpapasalamat ko sa kanya at agad ko namang tinakbo yung tinuro niyang building.

Nang marating ko ito, Ay agad akong pumasok. Buti nalang wala pa yung naka assign na prof. sa amin.

Umupo ako sa isang bakanteng upuan sa may likod kasi mas feel ko kasi ito. Unti- unti naman kaming dumadami sa classroom. Akala ko matatapos na ang  oras na hindi man lang namin makikilala yung magtuturo sa amin sa subject na Ito. Buti nalang ay dumating na si Prof. 30 minutes bago pa matapos ang subject.

Nagpakilala naman si Sir agad. Pagkatapos ay Isa isa niya kaming pinapatayo upang magpakilala.

Nasa kalagitnaan na kami ng pagpapakilala ng may biglang pumasok.

"Who are you?" Tanong agad ni Sir Noah sa kanya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 19, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

AkalaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon