Namy's POV
"Nam! bilis naa!! malelate na tayo!" sigaw ni Rika. Tsk, ingay ingay!
Nasan ba kase yung cellphone ko?! grr! Dahil sa inis ko lumabas nalang ako sa kwarto ko at tinanong si Rika
"Nakita mo ba yung cp ko?" tanong ko
"Nandun sa kusina na iwan mo dun! tagal tagal mo naman!" sigaw nya sakin.
"Tsk, sungit sungit mo naman" sabi ko bago pumunta sa kusina. Nandito lang pala tsk!
Agad kong tinawagan si Ethan--boyfriend ko.
"Hi love! Sasabay ka ba samin sa pag eenrol?" tanong ko.
[Hello love! Hindi ehh, susunduin namin yung cousin ko]
"Ahhh, sige love! Keep safe"
[I will. Bye love Keep safe din, love you muah]
"Love you too muah!" at inend ko na yung call.
At agad akong ng set ng masasakyan sa grab
"Rika hindi daw sasabay si Ethan" sabi ko
"Tsk" sabi nya lang at lumabas na sa condo namin. oppx iz diz bitter? hahaha! Bago ako lumabas, tinignan ko muna si Chamsie--aso kong babae.
"Chamsie baby, mag bantay ka dito okay?? if there's a magnanakaw, bite their talong okay??" sabi ko sa aso ko
"Arff! Arff!" sabi naman nya na parang na intindihan yung sinabi ko
"Bye bye, Chamsie baby" I said and I gave her a flying kiss.
Lumabas nadin ako sa condo namin at nilock iyon. Pagkatapos ay sumakay na kami sa elevator
"woi, sorry na" sabi ko kay rika at hinug sya--marupok sya sa hug ehh, hahaha!
"tsk sige na nga" sabi nya tsaka hinug din nya ko, sabi na ngang marupok sya sa hug eh
Bumukas na ang elevator at lumabas na kami at nakita ko na yung sasakyan at pumasok na kami sa loob
"Kuya sa Kiertons University po" sabi ko sabay galaw naman ng sasakyan. Nung nakarating na kami sa highway, maging mabagal ang usad ng sasakyan namin dahil sa traffic. Habang nag byabyahe kami tinignan ko si Rika, gaya ng dati nag sosoundtrip na naman sya. Binaling ko ang tingin sa gilid at tinignan ko ang mga sasakyang halos ndi na makagalaw dahil sa traffic. Nabaling ang tingin ko sa sasakyang mukhang masbago pa sa sinasakyan namin, at halos kita ko na ang sasakyan namin sa linis nito, tinted ang sasakyan pero may nakikita akong lalaking naka headphone at mukhang natutulog na nakaharap sa gawi ko. Mukhang gwapo pero masgwapo syempre si Ethan hehehe. Bumaling na ko sa harapan at nang biglang tumunog ang cp ko, agad ko 'tong tinignan. Ohh a text from my love
Ethan mah love💕
Love, mukhang wala na si Cole dito sa airport. Mukhang tumakas na naman.. Pupuntahan pa ba kita sa school?Cole is Ethan's cousin, Matigas daw ng ulo nun babaero masungit at basagulero sabi ni Ethan non sakin. Na iimagine ko yung mukha nya--mukhang panget tsaka mukhang tambay lang sa mga kanto. Tsaka si Cole daw is ka age lang namin.
me:
Wag na lang love, magpahinga ka na lang, keep safe, love youEthan mah love💕
You too, love you too"Ma'am nandito na po tayo" ani ni manong driver. Tinignan ko naman si Rika--ayun tulog.
"Hey, gising na, nandito na tayo" sabi ko sabay tapik sa kanya.
"Kuya oh, bayad namin" sabi ko kay manong driver at sabay abot yung bayad namin. At bumaba na kami ni Rika. Dumiretso na kami sa Office ng principal at nag enrol.
"San na tayo pupunta??" tanong ni Rika saakin
"Dun tayo sa cafe dede" sabi ko at kita ko naman ang excitement nitong si Rika. Don kase nagtratrabaho yung crush nyang si Raze.
"Dali punta na tayo!" saad ni Rika at naglakad na. Malapit lang kase dito sa University yung cafe dede--- yan yung name ng cafe na yun ang weird nga eh
"libre mo??" tanong ko sa kanya
"Syempre! baka sabihin ni babe Raze na kuripot ako at baka ndi na nya ko magustuhan" sabi nya , adik talaga to kay Raze eh
"Wao, babe??" sabi ko
"ba't?? inggit ka?? woi! ndi lang ikaw ang pwedeng magkalablayp!" oohhww beastmood agad WHAHAHAHAHS
Pumasok na kami sa Cafe dede at humanap na ko ng upuan, tapos si Rika naman ay agad na lumapit sa babe nya kuno at nag order.
Tinignan ko si Rika habang nag oorder, ang hinayupak ang landi yung tingin nya kay Raze. 'Tong Raze naman parang diring diri dito kay Rika. Wawa naman si Rika WHAHAHSHA. Pagkatapos mag order ni Rika nagbayad na sya at parang sinadya nyang magkasagi ang kamay nila ni Raze, ohh my rika ang galing mong lumandi WHAHAHA. Ibibigay na sana ni Raze yung sukli pero may sinabi si Rika kay ndi nya ito binigay. Tsaka lumapit na si Rika sa inoupuan ko at nilabas nya ang cp nya at pinipicturan nya si Raze. Hinayaan ko na lang sya at inilibot ko ang paningin ko sa loob ng Cafe at tumama ang tingin ko sa lalakeng na sunglasses, black cap, black t-shirt, black pantalon and blackmask na mukhang masamang tao pero kahit balot na balot ang mukha nya kitang kita ko naang gwapo nya at ang puti puti nya, mukhang mayaman din ito. Pero ang pinagtataka ko ay bakit biglang bumilis ang tibo ng puso ko.
Napansin kong parang nakatingin sya akin, parang familiar 'to. Nang nakita nya kong nakatitig sa kanya ibinababa nya konti ang glasses nya at kinindatan ako at sinuot nya ulit ang glasses nya tsaka umalis. Weird guy...
YOU ARE READING
Love at First Fight
Teen FictionI fell in love with my enemy, what am I supposed to do??