Chapter 3

15 4 2
                                    

Namy's POV

Nakatulala ako habang nakaupo sa couch ng boutique. Pumipili pa kase si Rika ng mga damit tsaka iniisip ko kung bakit ako kilala ni weird guy.
Gano'n na ba ko kaganda para makilala nya ko?? Ahhh nakakainis din 'tong kaganda han ko ahh. Baka mapahamak pa ko maygaaadd. Pano ba pumangit?? Taena naman ohh. Sino ka ba talaga weird guy?

"Nam?? Tara na magbayad na tayo" sabi saakin ni Rika at pumunta na kami sa cashier. Magbabayad na sana si Rika pero may sinabi ang cashier.

"Ma'am wag nyo na po daw bayaran sabi ni Boss Yuan" sabi ng cashier.

"Yuan?? sino yun?" tanong ni Rika

"Ahhmm, boss po namin. Sya yung kasama nyo kanina" sagot naman ng cashier.

So, Yuan pala ang name ni weird guy. Infairness pangalan palang ulam na----wtf?! ako 'tong sinasabi koo?

"May restroomba kayo dito??" tanong ni Rika sa cashier.

"Dun po ma'am" turo naman ng cashier sa pintuang kulay dirty white.

"Punta alng ako sa restroom. Sama ka??" tanong saakin ni Rika

"Yup" simpleng sagot ko at pumunta na kami ni Rika sa restroom.

"Ba't ang tahimik mo??" tanong saakin ni Rika habang inaayos nya ang make up nya.

"Yung si weird gu---boss Yuan nila, kilala nya ko" sabi ko tsaka kinuha ko naman ang foundation ko sa bag ko.

"Kilala?? pa'no??" tanong nya ulit sakin at sinuklay nya ang buhok nya.

"Nung palabas na kanina tayo sa CCTV room sabi nya saakin 'ingat kayo Namy' tatanungin ko sana kung bakit nya ko kilala pero pumasok na sya sa isang door sa CCTV room. Ang weird nya tsaka ang creepy." sabi ko tsaka ipinasok ang foundation ko sa bag ko

"Ang weird nga" sabi naman ni Rika tsaka pinasok nya din yung make up nya at lumabas na kami sa restroom.

"Balik po kayo ma'am" sabi ng mga sales lady saamin habang palabas kami sa boutique.

"Uwi na tayo??" tanong ni Rika

"Oo, gabi na eh" sagot ko naman.

Habang nakasakay kami sa taxi, nagkwekwentohan kamo kami.

"Nam, nasasayangan ako" sabi ni Nam sakin na naka pout, kadiri naman nito

"Saan naman??" -ako

"Sa boutique kanina, kung sana kinuha ko na kanina lahat ng damit do'n. Tsaka libre naman ni pogi beyb" sabi nya

"The fuck?!? pinapalitan mo na si Raze?? Tsaka beyb??" sabi ko. Lalakero 'to ehh

"Ndi naman sa papalitan ko sya, nagwagwapohan kase ako kay pogi beyb. Tsaka kapag ayaw sakin ni Raze dun na ko kay pogi hihihihi" -Rika

"Sabagay ayaw naman sayo ni Raze eh" sabi ko. At lumabas na sa taxi dahil nandito na kami sa condo namin.

"Ang bad mo!" sabi ni Rika na naka pout sabay walk out at pumasok na sa elevator na ndi ako hinihintay.

"Tampo agad WHAHAHSHAHA" malakas na tawa ko kaya umalingawngaw sa parking lot ng building kung saan ang condo namin. Habang hinihintay kong bumukas ang elevator, tinignan ko ang parking lot. Malawak ito at maraming sasakyan. Tsaka 'tong building na 'to ay pagmamay ari ng kaibigan ng daddy ko. Ndi ko pa sya nakikita pero alam kong close na close sya sa daddy ko. Tsaka mayaman din daw sya, sa katunayan mas mayaman pa nga sya saamin. Isa sya sa pinakamayamang pamilya dito sa Pilipinas.

Napatingin ako sa elevator ng bumukas 'to. Kaya pumasok na ko at pinidot ang 43 floor. Ohh diba ang taas?? Syempre ndi yan yung pinakamataas, hanggang 150 floor kaya 'to mga pre. Abot na ata 'to hanggang langit. WHAHAHSHAHA charrott. Marami din silang building sa pilipinas, mas mataas pa dito sa building na 'to.

Bumukas ang elevator at may pumasok na mag papamilya, yung babae ay may hawak na dede ng bata at yung lalake naman ay hawak hawak yung bata mga 1 yr. old na ata 'to.

Habang tinitignan ko sila, para akong naiinggit. Hindi dahil masaya sila at sama sama kundi dahil may kinakaing lollipop yung bata huhuhuhu naiinggit ako. Gusto kong humingi huhuhu. Habang tinitignan ko yung lollipop tinignan ako ng bata. Nang napansin nyang nakatingin ako sa lollipop nya, binelatan nya 'ko. Bibelatan ko na sana sya pero biglang tumunog ang elevator,  dito na pala ako lalabas. Bago ako lumabas binelatan ko din yung bata at dumeretso na sa condo namin.

Nilagay ko yung code ng condo namin tsaka ako pumasok.

Ndi na ko demeretso sa kwarto ni Rika dahil alam ko namang magiging okay din kaming dalawa bukas. Tsaka sigurado akong tulog na yun dahil sa pagod.

Pagpasok ko sa kwarto ko, nakita ko si chamsie na nakatulog na. Nagpalit na ko ng damit at kinuha ko si chamsie sa kama ko at natulog na koooo.....








Love at First FightWhere stories live. Discover now