Chapter 2

29 3 4
                                    

Namy's POV

Hindi ko parin makalimutan yung lalake kanina sa cafe. Ba't kaya sya nakatingin sakin? Ako kaya yung tinitignan nya? pero tinignan ko ulit kanina yung mga tao sa cafe pero konti lang ang tao at malayo sila sa amin. Baka magnanakaw nga sya baka may balak syang kunin 'tong bag kong tagwawanpipti halaaaa! charooottt mahal kaya 'tong bag ko. Mk tatak nito ehh tsaka original kaya 'to! mahal 'to! mas mahal pa sa pagmamahal ng jowa mo! bigay din 'to ni Ethan mah loves. Pero ba't kaya ako kinindatan nung lalake?? Ako ba yung kinindatan nya?? Baka na love at first sight sya saken! iba talaga kamandag ng kagandahan ko, kastress din 'tong kagandahan ko ah.

"Btw, I'am Namy Rose Crey daughter of Physiquelle and Hyancinth Crey."

My father is a handsome CEO and my mother is a beautiful  Doctor. Kaya ndi na ko magtataka kung bakit maraming nahuhumaling sa kagandaha----.

"Woi Nam! Okay ba 'to?? bagay ba??" tanong sakin ni Rika habang paikot ikot sa harapan ko. Panira din 'to ng moment ehh sarap ipakain kay Raze.

Pagkatapos kase naming kumain sa cafe dede dito naman kami sa mall pumunta. Nandito kami ngayon sa mamahaling botique, wala na daw syang damit kaya bibili daw sya ng bago. Walang damit my face! Sana sinabi nya na lang na ayaw na nyang ulitin yung mga damit nya!

"Maganda" sabi ko

"talagaaaa??!? magugustuhan na kaya ako ni Raze pag ginamit ko 'to?!?" tanong nya

"Maganda, pero yung nagsusuot panget. Pwede bang palitan yung magsusuot?? Tsaka never kang magugustuhan ni Raze!" sabi ko sa kanya kaya nag pout sya at parang galit sakin.

"May pa pout pout ka pang nalalaman. Mukha kang pato tsk. Tsaka accept the truth na lang" sabi ko sa kanya

"Ay heyt you Nam!" sigaw nya sakin at pumasok na sya fitting room.

Mukhang badtrip na naman sakin yun WHAHAHSHA. Inilibot ko ang tingin ko sa loob ng botique at napansin kong konti lang ang mga tao dito. May nakita akong damit kaya nilapitan ko ito. Isang kulay Pastel na dress na off shoulder, above the knee ito. Nang nakuha ko na may humablot sa damit na hawak ko. Tinignan ko kung sino ang humablot, isang babae at ang pretty nya pero yung tingin nya sakin ansama. Lahhh?? anong ginawa ko dito?? ako na nga yung inagawan sya pa yung parang galit. May topak ata 'to ehh

"Ako nauna dyan" sabi ko

"Ako kaya!" sigaw nya sakin kaya yung mga tao napatingin samin.

"Ako----" napatigil ako sa pagsasalita ng may nagsalita na lalake sa likod ng babae. Shit! si weird guy!

"Anong nangyayari dito??" tanong ni weird guy

"Inaagaw nya sakin 'tong damit tsaka sinampal nya ko" sabi nya sa lalake na may pa pout pout pa. Yaakkss kadiri naman kala nya kyut sya

"W-Whaatt?!? She's lying! ndi ko yan inaagaw! ako nga nauna jan eh! Dapat akin ya----" napatigil ulit sa pagsasalita dahil nagsalita na naman si weird guy.

"Tignan na lang natin sa CCTV dito sa botique" sabi ni weird guy. Shit! ang ganda ng boses nya

"Eyyy Nam! what's happening here??" ndicko namalayan na nasa likod ko na pala si Rika.

"Uhmmm, ano kase----" punyemas naman nitong weird guy na 'to! ang hilig putulin yung mga sasabihin ko

"Let's go to the CCTV room" sabi nya tsaka naglakad papuntang CCTV room. Inirapan muna ako nung babae tsaka sya sumunod kay weird guy. Parang alam na alam naman nitong weird guy kung saan kami pupunta kase ndi na sya nag tawag ng mga empliyado.

"Nam?? What happened??" tanong ni Rika sa akin. Kwinento ko naman sa kanya habang naglalakad kami.

Nang nasa tapat na kami ng CCTV room pumasok na kami at agad naming tinignan yung nangyare. Kitang kita na hinablot saakin nung babae yung damit. Tinignan ko yung babae at may mga luha na nang pumapatak sa mata nya at tinignan nya si weird guy.

"Ndi ko naman sinasadya yun ihhh huhuhu" pagiyak nyang sabi kay weird guy. Ndi ko alam kung ano ang expression ni weird guy kase may shade sya, cap at mask na black.

"Sana nagtanong ka na lang kung may stock silang ganon, wag yung aagawin mo na lang basta basta. May nakakuha na pero inagaw mo parin. Mag sorry ka sa kanya" kalmadong sabi ni weird guy kay girl.

Akala ko mag sosorry sya sakin dahil palapit sya saakin pero tumakbo lang sya palabas habang umiiyak. Nagulat na lang ako ng magsalita si weird guy.

"Sorry ha?? Ganon talaga ang ugali no'n tsaka ito ohh wag mo na yan bayaran" sabi ni weird guy sabay abot sakin nung damit

"Okay lang, salamat. Sige una na kami" sabi ko naman

"Sige, ingat kayo Namy" kilala nya ko?? tatanungin ko sana sya pero pumasok na sya sa isang door sa loob ng CCTV room. Ang weird nya talagaaa. Nagsitaasan din ang mga balahibo ko....

_________________________________________

Pronunciation:

Namy - Nami
Physiquelle - Pi-si-kielle
Hyancinth - Ha-ya-sint

Love at First FightWhere stories live. Discover now