*JACOB's POV*
Ako nga pala si Jacob Rivera. 17 years old. 2nd year college na ko. Business Ad tinetake ko ngayon. Masaya naman. Mahirap pero kinakaya. Wala pa kong girlfriend. NGSB. Strict kasi sila Mama dati. Nung first year college lang ako pinayagan. Eh wala naman ako natypean ng seryosohan, kaya ayon.
Meron akong best friend. Si Sam Aquino. Saksakan ng ganda yung babaeng yun. Kahit malikot, makulit, maingay, nako, sobrang importante sakin yun. Para ko na kasing kapatid yun sa sobrang tagal naming magkakilala.
Walang pwedeng manligaw sakaniya hangga't di dumadaan sakin.
Sabi ni Aira, bagay daw kami. Si Aira nga pala yung babaeng best friend niya.
Ayun. Sabi niya may chemistry daw kami. Kaso di ko naman magets paano niya nasabi yun. Parang best friends lang naman talaga kami eh. Or meron nga ba?
Ewan ko ba! Di ko naman kasi makita eh.
Maganda siya. Matalino. Masipag. Kahit magaslaw, at hindi yung kahin-hinang babae, saksakan parin ng pagkadisente yun. Pinalaki ng maayos ng mga magulang niya. Only child kasi eh.
Siguro, pwede ko siyang matypean. Pero hindi pa ngayon. NBSB din kasi yun. Baka mangapa lang kami parehas.