"Sam! Tulala ka nanaman diyan. Ano nanaman bang tumatakbo sa isip mo?" Pasigaw na sabi ni Aira, best friend ni Sam.
"Ha? Ah, eh, wala. Ano ba yung sinasabi mo kasi?" Gulat na gulat si Sam sa pagsigaw ng kaibigan. "Hay, wala! Ewan ko sayo! Inlababo ka nanaman diyan sa bespren mong kano!" At nagtawanan na lamang sila. Hindi alam ni Sam ang isasagot, dahil halatang namumula na ang mga pisngi niya sa sinabi ng kaibigan. "In love agad? Aba matindi! Baka crush lang. Kaso, best friends kasi eh. 'Lam mo yun? Haist."
*SAM'S POV*
Ang kulit kulit talaga nitong best friend kong to! Kung di ko lang talaga mahal tong bruhang to, baka nasampal ko na to sa pag-gulat sakin eh.
Oo nga pala. Ako si Sam. 17 years old. 2nd year college. Entrepreneurship yung course ko kahit ang passion ko ay Science. Tinatamad na kasi ako mag Science. Eh trip ko din naman Business, kaya ayon.
So anyway.
Hay, Sam kasiiii. Bakit ba natulala ka kasi? Nagddaydream ka nanaman tungkol kay Jacob ano? Hayst.
Kelan ka ba matututo? Diba best friends kasi kayo? Magkababata pa kamo. Kaya hindi ba awkward?
Bakit ba kasi nattypean mo si Jacob? Hay!
'Tong puso ko naman eh, magkakagusto nalang, kay Jacob pa?! Naku namaaan!
Pero bakit kasi ang cute cute niya? Lalo na kapag ngumingiti. Yung dimples niyang malalim. Haaays. Nakakatunaw!!! Tapos yung mga titig niya, dyusme, puwede na kong malunod! Ang pogi niyaaaaa. Ang laki pa ng muscles!
Kaya ang dami din naghahabol sakaniya, kaya forever best friend nalang talaga yata ako. *Napakasakiiiiit.* Pero, hays, bahala na nga!
Basta, fight fight fight! Kahit walang nafefeel sakin yon... Hays.