Chapter 1 (How it Ends)

15 2 0
                                    

Ano nga ba ang Mali?
Ano nga ba ang Tama?

Yan ang bumabalot na katanungan sa isipan ko. Ako nga pala si Aamon(7th Spirit of the Goetia), sabi nila sinumpa daw ako , anak daw ako ng demonyo, ni pangalan ko nga inahalintulad sa pangalang ng isang demonyo. Ewan ko ba bakit ako ganto.

Naghahanap lang naman ako ng kalinga, ng pagmamahal ng isang tao yung tipong tatanggap sakin ng walang halong panghuhusga at tanggap ako kung sino ako.

Halos wala akong kaibigan , walang makausap , walang masabihan ng mga bagay na gusto kong ipamahagi ng lubusan. Pero nagbago lahat ng ito nung nakilala ko si Raphael ( angel of healing), siya yung babaeng hindi ako nilayuan kahit alam nyang may mali ako.

Siya yung nag bigay ng lakas ng loob para lumaban ulit ako, para sumugal ulit ako. Nung nakita ko siya para akong nakakita ng isang anghel , natulala , namangha , at nabighani sa taglay nyang kagandahan.

Siya naba yung daan para magbago ako? Siya naba yung paraan para hindi nako magalit sa mundo?
Sa tingin ko OO , wala namang masamang magbago sa taong mahal mo.

Nagulat ako kung bakit andyan parin siya sa tabi ko, kahit alam nyang mahina ako. Lumipas ang araw at ako'y nagpasya, tanong saking isipan.

"Ligawan ko na nga siya?", Pero hindi din maalis sa isipan ko na "Baka hindi niya ako matanggap". Wala namang masamang sumubok kaya susubukan ko baka sakaling siya na nga.

Ako'y humanap ng paraan ,syempre tinanong ko muna sa mga kaklase ko kung anong pangalan nya sa facebook dahil nga ichachat ko siya. Yun lang ang alam kong paraan para mapakilala ko ang sarili ko sakanya.

Nung nalaman ko na, agad agad kong in-add at labis kong tuwa na nung in-accept na niya ko. Halos hindi ko nga alam kung pano ko sisimulan yung pagchachat sakanya eh.

Nagdaan ang mga araw kame ay naging close na kaso sa chat nga lang. Nagdecide ako na lapitan siya, oo may halong kaba pero kailangan kong lakasan yung loob ko para naman makapagusap kame ng personal.

Mabuti nga na di siya nangsnob eh, ayun nagkausap kami nalaman ko na may gusto din pala siya sakin. Ansaya ko nun halos pwede nakong mamatay kase dun palang panalo nako.

Dahil din sakanya kumulay yung buhay ko. Nagkaroon nadin ako ng mga kaibigan dahil sakanya. Laking pasasalamat dahil binigyan nya ko ng chance para maging masaya ulit.

Nung araw ng June 12 2016 nagkayayaan na gumala , siyempre ang saya ko nun kase kasama siya , makikita ko ulit siya, makakausap at makakatabi. Ito din yung araw na umamin ako sakanya.

"Raphael !, Hindi kona kaya itago yung nararamdaman ko gusto kita !".

".............".

Nagulat ako bigla siyang nag walk out akala ko rejected ako. Feeling ko na hindi talaga kame pwede.
Kinabukasan may pasok sa skwelahan , hindi kame nagpansinan hanggang matapos ang buong klase. Nagulat nalang ako dahil nung uwian lumapit siya sakin at may inabot na papel.

"Aamon , oh basahin mo dapat ikaw lang makakabasa niyan, wala dapat makakaalam kung ano yan"

"Sige salamat Raphael pangako ako lang".

Dali dali kong binasa yung papel na binigay niya . Hindi ko akalain na yung nakasulat sa papel ay isang sagot sa matagal ko nang pinakahihintay.

"SINASAGOT NA KITA"

Yes sobra kong saya dahil sinagot nanyako. Pagkatapos kong basahin yung papel, pagkatingin ko sa paligid wala na palang tao , nadala ako ng emotions ko.

Hinihiling ko na tumagal kame, gusto ko siya na , si Raphael lang kase yung nagkulay at nagayos ng mundo kong gulo. Namulat sa realidad na meron pang pagaasa para magmahal ulit.




ALAICFARTSIWTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon