Siya ba ang Mali?
Ako ba ang Tama?Ako'y naghahanda para sa darating naming monthsary, gusto ko naman na maging special itong kaarawan na ito. Ito ang kaunaunahang monthsary namin.
Bakit ko nga ba siya gustong supresahin? Bakit ko ba gusto kong gawin lahat ng ito? Simple lang naman ang sagot, dahil mahal ko siya , gusto ko makita niya na mahalaga siya katulad ng ginawa niya sakin na pagpapakita na kung gaano ako kahalaga.
Hindi niya ako unang boyfriend, pero una ko siyang naging girlfriend. Naikwento niya nga sakin kung pano siya Sinaktan at Ginago nung ex niya.
Hinahabol daw niya ito dahil ayaw niya daw matapos yung pagsasama nila. Sabi nga niya na minura daw siya sa harap ng maraming tao."ANO BA RAPHAEL! TANGINA NAMAN OH !! AYAW KO NA! WALA NA TAYO."
Umiyak na umiyak daw siya non. Halos hindi daw siya makakain , makapagsalita at lagi lang siyang nakatulala. Naniwala siya na hindi pala totoo yung
"As long as i can find a reason to stay, i will"
Kase kahit alam ni Raphael na may pagkukulang yung ex niya sakanya pinili niya paring mag stay dahil may reason pa , dahil mahal pa niya pero nung siya na yung nasaktan di na niya ito pinaniwalaan.
Kaya nga ako nandito para ipaalala at iparamdam sakanya na may lalaki pang sincere at nagmamahal ng totoo.
Ayaw kong iparanas sakanya ulit yung nangyari sa kanya.Nagaral ako ng pag-gigitara para lang sa unang monthsary namin. Gumawa ng mga flash cards at nagsabi sa mga kaibigan ko na tulungan ako dahil nga gusto ko maging maganda ang kalalabasan ng supresang ito.
Nung nasa school na kame, dun na naganap ung supresa ko sakanya. Hinarana ko siya sa harap ng maraming tao , nagbigay ng regalo at higit sa lahat pinatunayan ko na mahal ko talaga siya.
Makalipas ang araw , at malapit na ulit kameng mag pangalawang monthsary, hindi ako kumain para lang makaipon sa bibilhin kong kwintas para sakanya.
Kahit mag 2 months na kami hindi ko parin mahawakan ang kanyang kamay at mahalikan sa kanyang pisngi man lang dahil nga nahihiya pa siya. Bilang lalaki , respeto ko nalang sakanya.Bawat monthsary namin may regalo siyang natatanggap mula sakin. Laking sakripisyo ko sa sarili ko na halos hindi ako makakain makapagipon lang. Pero worth it naman dahil mahal ko siya at gagawin ko lahat para sakanya.
Yung naging 7months na kami dun ko naramdaman na unti unti niya kong minamahal. Nung pauwi na kami at ihahatid ko siya sa kinalang bahay bigla niya kong hinawakan sa kamay.
Halo halong expression ang aking naramdaman dahil lumipas ang maraming buwan ngayon nya lang ako hinawakan sa kamay.Sabi ko na nga ba na worth it siya, matuto lang tayo magantay at hindi natin minamadali ang buhay. Sobrang saya ko nung hinawakan nya yung kamay ko kahit yun lang masaya nako. Ang lambot ng mga kamay nya, kaya pala Raphael ang kanyang pangalan dahil yung kamay niya parang anghel.
Pero dumating yung araw na parang susumusuko na siya relasyon namin.
Pero hindi ko hinayaan na mangyari yun, pinarealize ko na hindi naman malulutas ang problema dahil lang sa paghihiwalay.Nung time na yon nagbago siya , hindi ko na siya kilala , nagtanong tanong ako sa mga kaklase niya kung bakit siya ganyan at nalaman ko na meron palang lalaki na pumuporma sakanya.
Ang sabi ko kay Raphael
"Pakilala mo naman sakin yang lalaking kaibigan mo"."Hindi na kailangan Aamon kaibigan lang naman kami, wag ka magaalala"
At dahil may tiwala ako sakanya naniwala ako na kaibigan lang. Lumipas ang araw at ganon parin ang pakikitungo sakin ni Raphael , ang lamig halos lage siyang galit sakin , nagtataka nalang ako kung bakit?.
Nung magrerecess kame , dapat sabay kame, pinuntahan ko yung room niya para ayain na kumain pero nakita ko ang saya niya dun sa lalaking pumuporma sakanya at sabay silang kumakain. Hindi ko nalang pinahalata at agad agad akong umalis.
Maniniwala paba ko sa kasabihan na
"As long as i can find a reason to stay, i will"
Sa tingin ko oo kaya kong magtiis kahit nasasaktan nako, may rason pako para magstay sakanya.
Lumipas ang araw at kami ay nagkakalabuan na ni Raphael. Sinabi niya sakin na hindi na daw niya ko maintindihan , nagtaka at nagtanong ako sa sarili ko kung bakit niya nasasabi yung masasakit na salita sakin.
At nangyari nga ang kinakatakutan ko, hiniwalayan niya ko at ang huli niyang sinabi niya sakin ay
"Sorry ayaw ko na , may nagpapasaya na saking iba!".
"................"
Halos wala akong masabi nun dahil nagulat ako sa pangyayari , nanghinayang ako dahil mag iisang taon na kame. Kahit ilang buwan palang kami nagsasama ni hindi ko man lang nahalikan siya, isang beses ko lang na hawakan ang kamay nya sa ilang buwan na pagsasama namin.
Maniniwala pa bako ?
Sirang sira nako!"As long as i can find a reason to stay, i will"
Pero yan parin ang nasa isip ko sa mga panahon na iyon .
BINABASA MO ANG
ALAICFARTSIW
RomanceThis is my very first story to make, this is true to life story because i believe that story can be exciting if its based on what you experience in your life. The story is all about a man who just love a girl very much, more than his life he choose...