⚜️chapter 1.⚜️

571 10 0
                                    

⚜️UnExpected Love⚜️
#Jerome_and_Erika
⚜️Chapter 1⚜️

🔥Jerome_POV

Ako si Jerome Dela torre  isang successful Bussiness man.

Bussiness partner ko ang mga kaibigan ko na sina Nathan, at Mark

Magagaling din sila pagdating sa bussiness.

Naging bestman nila ako sa kani kanilang kasal.

At ngayon naman sila ang magiging bestman sa araw ng kasal ko.

Ikakasal kami ng babaing pinakamamahal ko. hindi man naging maganda ang una naming pagtatagpo naging kami pa rin sa bandang huli.

Habang nakikita kong naglalakad sa altar si Erika ay may kung anong tuwa    akong nararamdaman.

Nakangiti ako sa kaniya kahit kinakabahan na ako. Gusto kong maiyak sa sobrang tuwa. Sino naman ang hindi maiiyak. Ang daming dumating na pagsubok sa buhay namin ni Erika.

Naalala ko tuloy noong una naming  pagkikita  ni Erika.

⏩ ⏩#FlashBack_20years_Ago⏩

May malalang sakit ang mommy ko.

Wala akong magawa dahil bata pa ako.

Hindi ako umaalis sa tabi ni Mommy.

Gusto ko lagi syang nasa tabi ko.

Pero namalayan ko nalang na wala nang buhay ang mommy ko.

Iyak ako ng iyak.

Hindi ko matanggap na p@tay na ang mommy.

Mula ng mamatay ang Mommy ko ay lumipat kami ni Dad ng bahay.

Ibininta ni Dad ang lumang bahay namin.

Dahil tuwing nasa bahay kami naalala ni Dad ang pagkam@tay ni mommy.

Lumipat kami malayo sa lumang bahay namin.

Malaki iyon kisa lumang bahay namin.

Malaki ang bakuran. Kaya malaya akong makapaglaro. Pero paano ako makalapaglaro kung hanggang ngayon hindi parin ako nakaka move on sa pagkawala ni Mommy.

Hindi ako sanay na wala sa tabi ko ang mommy ko.

Habang mag isa akong naka upo sa play ground ay may naramdaman akong bumabato sa akin.

Napalingon ako sa tatlong bata. Mga kasing idad ko lang sila.

Hindi ko nalang pinansin dahil wala ako sa mood makipag away.

Pumasok na lang ako sa loob ng bahay.

Kahit saan kamimay mga salbahi talagang mga bata.

Kung hindi lang sana ako malungkot, pinatulan ko na ang tatlong bata na iyon.

Tatlong linggo na ang lumipas, kaya kahit papaano naghihilom ang lungkot sa puso ko.

Unti unti ko nang natatanggap ang pagkawala ni Mommy.

At hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakasundo yung mga salbahing bumato non sa akin.

Ayaw kong makipagkaibigan sa kanila  dahil mga salbahe sila.

Minsan pinapatulan ko na ang mga kakulitan nila.

Kaya pinapatawag na kami sa Office.

Nilipat ako ni Dad sa ibang School.

⚜️UnExpected Love⚜️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon