⚜️chapter 2.⚜️

231 5 0
                                    

👰UnExpected Love🤵
⚜️Jerome @ Erika ⚜️

⚜️Chapter 2⚜️

#Erika Pov

Dahil kasal na sina Mommy at ang Daddy ni Jerome ay kinailangan naming manirahan sa iisang bobong.

Kahit hindi ko makasundo si Jerome ay wala na akong magawa kundi ang pakisamahan sya.

Lagi nya akong inaasar pero hindi ko na pinapansin.

Nangako kasi ako kay Mommy na hindi ko papatulan ang pang aasar nya sa akin.

Ang sarap ng tulog ko kaya maaga akong nagising.

Exciting akong mag aral at para makita ang crush kong si Nathan.

Napahinto ako sa paglabas ng pinto dahil nakita kung kalalabas din ng kwarto si kuya Jerome.

Kagigising lang din nya

Pariho kaming napatingin sa Banyo.

.
.
.
.
.
.

#Jerome P.O.V

Nagkasabay kaming tumingin sa banyo. Mukhang nangangamoy na naman hidwaan namin ni Erika ah..

d ako magpapatalo.

Nang magkaalaman na ang mga plano.

Nakipagsabayan akong tumakbo papuntang Banyo. Wala eh sabay talaga kaming nakahawak sa pinto ng Banyo.

" Ako ang nauna" sabi ko kay Erika

" Di ah. Ako kaya ang nauna." Sabi ni Erika na ayaw magpa awat.

Nagtutulakan kami sa pinto ng banyo kung sino ang maunang makapasok..

" Bala ka jan ako ang nauna. "

Tinulak ko sya pero hindi malakas ah. Katamtaman lang ang pagkakatulak ko para mapaantras sya sa pinto.

At agad na akong pumasok sa loob ng banyo.

"Ang daya mo.. "

Inis na sigaw ni Erika. Nainis talaga sya sa akin..

Hindi talaga kami magka sundong dalawa.
.
.
.
.
.
.
.

#Erika_PoV

Naisipan ko nalang na mauna nang mag almusal habang hinihintay kong matapos si Jerome.

" Ba't ba ang tagal mo?"

( Pasigaw kung sabi kay Jerome)

" Ito na .. tapos na ako. " Pasigaw ding sabi ni Jerome

Kalalabas lang nya sa Banyo. Bigla akong napaiwas ng tingin kasi naman tuwalya lang nakatakip sa kanya.

"Kainis ka talaga malalate na ako. "

Pagrereklamo ko sa kanya at kinuha ko na mga gamit ko pampaligo at papasok na sa Banyo..hawak ko pa rin ang pandisal na kinakain ko habang papasok ako sa banyo.

" Bala ka jan. . " Panunukso sa akin ni Jerome

Kakagatin ko na sana ang pandisal ko kaya lang biglang inagaw sa akin ni Jerome ang pandisal na hawak ko.

"Kainis ka talaga.. Akin yan eh." Sigaw ko sa kaniya

Patakbo nang pumasok si Jerome sa kwarto nya na dala dala ang pandisal ko.

Gusto kong sumigaw sa inis pero pilit kong pinapakalma ang sarili ko.

Exhale

Enhale

Ito lagi ang ginagawa kong pampakalma sa sarili ko tuwing inaasar ako ni Jerome.

Nang mapakalma ko na ang sarili ko ay pumasok na ako sa banyo.

⚜️UnExpected Love⚜️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon