"Khira gising na! Anong oras na oh malelate ka na naman!" Katok ni mama sa kwarto ko.
"Ma 5 minutes lang!"
"ANONG 5 MINUTES! SUSUSIAN KO TONG KWARTO MO AT BUBUHUSAN KITA NG MAINIT NA TUBIG!"
Napadilat na lang ako sa narinig ko. At dahil dun nagising na din ang diwa ko ng dahil kay mama.
"Gising na gising na po ang pinaka cute niyong anak!"
Bumangon na ako mula sa pagkakahiga.
Kinuha ko ang towel ko.Lumabas na ako ng kwarto ko at dumiretso sa CR para maligo.
**
"Sa ilalim ng puting ilaw! Sa dilaw na buwan!"
"Pakinggan mo ang aking sigaw! Sa dilaw na buwan! Tutotutot!" Kanta ko.
"Ate bilisan mo jan! May maliligo din dito!" Sigaw ng kapatid ko.
"At saka wag ka ng kumanta sintunado naman boses mo!" Dugtong niya.
"Wala kang pake! Malapit na akong matapos!"
Nag banlaw na ako at kinuha ko ng ang towel ko para mag punas na. Nagtapis na ako ay binuksan na ang pinto ng CR.
"Ate ang tagal mo."
Nginitian ko nalang siya.
Aba! Kinusilapan ba naman ako!
Pumunta ako sa kwarto ko para mag palit na ako ng damit. Binuksan ko ang cabinet ko para kumuha ng uniform ko.
**
"Nak, kain ka muna bago ka pumasok."
Pag kaupo ko palang sa upuan natakam na agad ako. Syempre paborito kong pagkain!.
"Oh ate hinay hinay lang" Andrei
Kinusilapan ko nalang.
Nagsimula na akong magsandok ng sangag at hotdog at itlog.
"Oh nak, hinay hinay lang di ka mauubusan" Mama.
"Hahahahaha!" Tawanan nila
Hinayaan ko nalang silang tumawa basta ako kumakain.
Buuurrrpp
"Excuse me"
Tumayo ako. Kinuha ko ang toothbrush ko at nilagyan ko na ng colgate.
***
"Ma alis na po ako!"
"Sige ingat ka!"
Lumabas ako ng bahay at nag antay ako ng tricycle. May nakita ako agad ko itong pinara.
"Kuya sa DSU".
Mga ilang minuto andito na ako sa DSU bumaba ako sa sasakyan at inabot ko na sa kanya ang pamasahe ko.
Pumasok na ako sa gate at saktong nakita ko si manong guard. Binabati ko ito ng good morning at ganun din siya sa akin.
Nagtataka talaga ako ba't nila ako pinagtitinginan ng mga tao dito? May dumi ba ako sa mukha?. Kinuha ko cellpone para tignan ang itsura ko kung maayos ba. Ok naman walang dumi maayos naman ang buhok ko.
Teka nga lang may nakadikit sa likod ko? Agad kong hinawakan ang likod ko kung may papel na nakadikit pero wala naman.
Nag kibit balikat nalang ako.
Pagpasok ko sa room parang nakakita sila ng multo ng dumating ako. Tumingin naman ako sa likod ko wala naman.
At bigla din silang tumigil sa pagdaldalan. Weird.
BINABASA MO ANG
The Middle
Teen Fiction"Sinlinaw ng langit na bughaw hanggang sa dulo ako at ikaw iginuhit na ng tadhana na tayong dalawa ay maging isa ..." Khira. -- A/N: Hi mga anakshie kong magaganda at mga poging readers!👋 Narito ang aking mga social accounts at di rin mawawala ang...