The middle [2]

17 8 0
                                    

Sabay kaming naglalakad ni keisha patungo sa classroom namin.

Nga pala recess na pala ang bilis ng oras at di na rin kami pumasok sa dalawa naming subject. Kaya tumambay kami sa canteen.

Sa ngayon kukunin namin ang bag namin at uuwi kami. Kasalukuyan kaming umaakyat ng hagdan ng may narinig akong boses ng lalaki.

"Hahahaha! Sabi ko naman sayo eh mapapatalsik ko yung amazonang babaeng yon!. Hahahaha si Eerah ba yun basta yun! Hahahaha".

"Bilib na talaga ako sayo pre! Ganda pa naman nun kinis pa!. Mukhang malabo na makakuha ng puntos sa kanya. Hahahaha"

Di ko na talaga maiwasan ang galit akma na sana akong aawatin ni keisha nag paunang akyat na ako sa hagdan as in malalaking hakbang.

"Talaga gusto mong makakuha ng puntos sa akin?" Malandi kong tono

Lumapit ako dun sa videographer at hinimas himas ko ang bandang dib dib niya.

"Sabi ko na nga ba pre!---"

Di niya naituloy dahil sa aking binulong

'Gusto mo ba talaga maka puntos?'

Napatango nalang siya.

Hinawakan ko ang kwelyo niya at lalo ko siyang inilapit sa mukha ko nakita ko pa papaanong bumaba baba ang adams apple niya.

Pero ang akala nila hahalikan ko siya pero nagkakamali sila tinuhod ko ang kaligayahan niya ng napaka lakas at hindi siya makakahinga sa ginawa ko!

"G***o k-ang b-b-ba-bae k-ka!" Sigaw niya sa kin.

"Yan ang nararapat sayo. So naka puntos ka na? Di ka man lang mag tethank you?" Inosente konng patanong..

"H-h-a-yop ka!.. uuuuggghh"

Halos pagulong gulong siya sa sakit.

"Tara na nga kei."

Sinundan ako ni kei ay pinantayan niya ang paglalakad ko.

"Grabe ka khira! Ibang iba ka!"

Di ko nalang siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pagpasok ng room at kinuha ko na ang bag ko.

Kinuha na rin niya ang bag niya at sabay kami lumabas ng room.

Pumunta kami ni kei sa pinaka sikretong labasan na ginawa din namin at saka sinigurado ko talaga kung andun pa ang pantakip namin sa cctv kaya laki ang pasasalamat ko sa kuya ni kei kaya di nila mahahalata na may tumatakas.

Tuluyan na kaming nakalabas sa sikretong lagusan.

***
"Ma! Andito na ako!"

Nilapag ko ang bag ko sa upuan at ganun din ang ginawa ni keisha pero nga lang siya ay umupo agad.

Lumabas si mama mula sa kusina at nagmano agad ako sa kanya ganun din ang ginawa ni keisha kay mama.

"Oh napaaga niyo naman na umuwi. At buti naisipan mong dumalaw dito keisha iha."

"Hahaha eh opo po eh. Sadya lang po na namiss ko po kayo lalo na po ang luto niyo po tita."

"Ikaw talagang bata ka bolera ka talaga!"

Nag tawanan silang dalawa kaya nakitawa nalang ako.

"Oh siya sandali lang titignan ko lang ang niluluto ko jan lang muna kayo."

"Sige po ma"

"Sige po tita"

Halos sabay kami ni kei magsalita kaya tumawa kami.

The MiddleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon