A/N: Eto po ay nabasa ko lamang. I-pinublish ko po ito para sa mga hindi pa nakakaalam ng istorya na ito. By the way, gusto ko lamang po i-promote ang story ng aking kaibigang maganda (charot!),Strangers -.-
May isang batang lalake, ang pangalan niya ay Gilbert. Siya ay may malapit na kaibigang babae, si
Analyn. Si Analyn ay laging may suot na pulang laso sa kanyang leeg. Hindi niya ito itinatanggal.
Minsan ay itinananong ni Gilbert si Analyn kung bakit niya laging suot ito. "Malalaman mo rin sa
tamang panahon.", sagot niya. Lumipas ang mga taon at sila'y naging mag nobyo. Isang araw
tinanong ulit ni Gilbert si Analyn kung bakit niya laging suot ito. "Malalaman mo rin sa tamang
panahon.". Hindi ito pinansin ng lalake dahil sa pagmamahal niya kay Analyn. At lumipas ulit ang
ilang taon. Sila'y naging mag-asawa at biniyayaan ng tatlong anak. Naisipan ulit itanong ni Gilbert
si Analyn tungkol sa pulang laso. At katulad ng dati,"Malalaman mo rin sa tamang panahon."
Makaraan ulit ng maraming taon, sila'y matanda naat iniwan sila ng kanilang mga anak. Isang
araw malapit na si Gilbert mamatay, kaya itinanong ulitniya si Analyn kung bakit hanggang ngayon
ay hindi niya pa rin itinatanggal ito. "A-analyn, alam kong ilang beses ko na itinanong ito, ngunit ka-
kahit sa huling pagkakataon, bakit hindi mo pa rin itinatanggal ang pu-pulang laso sa leeg
mo."tanong ng kawawang Gilbert." Gi-gilbert, sori kung hindi ko sinabi sa iyo ang dahilan. Sa-
salamat sa paghintay ng sagot mo. Ipapakita ko na sa iyo ang dahilan. Ngunit 'wag kang
mabibigla." Sagot ni Analyn. Itinanggal niya ang pulang laso sa kanyang leeg...........
......
..........
................
.......................
At gumulong sa sahig ang ulo ni Analyn..........
A/N: Kung may errors, sori po. Kung panget, sori po. Ako'y isa lamang newbie sa Wattpad. Thank you po!