Prologue

64 4 0
                                    

Pirata, Pirata, Pirata.
Ayun yung palagi kong nakikinig sa aking titong marine.

Siya na rin kasi yung tumayo kong magulang dahil si papa ay namatay sa mga masasamang pirata at si mama naman ay nagtatrabaho sa abroad.

"Basta wag mong kalilimutan na maging palaban ka sa mga pirata! Alam mo naman eh, mga patay-gutom sa pera."

"Sige po!"

  Nagulat ako dahil bigla niyang  binigay sa akin ang isang bilog na parang relo pero may iba't-ibang direksyon.

"Para sayo yan, regalo ko. Wag mong wawalain ah! At promise mo sa akin na magiging isa ka sa mga magagaling na marine sa buong mundo!"

Pagkatapos ng isang linggo, nagising ako at hinanap si tito pero siya ay tulog.

"Tito, gising na!"

"Tito!"

"Alam kong gising ka pa!"

"Nagloloko ka lang eh!"

Sa lahat ng sinabi kong iyon, Wala pa rin siyang imik.

Tinawagan ko si Tita at pumunta siya sa condo pero siya ay sumakabilang-buhay na.

Siya pala ay may Stage 4 Colon Cancer.

Dumating si mama sa bansa at sinabi niya na pupunta raw kami sa isang lugar.

Pumunta kami sa laot at sumakay sa isang barko papuntang Plain Island.

"Ma! Anong gagawin po natin dito? Picnic?"

"Basta", Sabi ni Mama.

Pagkapunta namin dito, may dala siyang libro at may sinabi siyang mga salita na parang ibang lengguwahe.

Natakot ako dahil may lumabas na isang portal at pumasok kami doon at napunta kami sa isang malaking gubat.

"Ma, Sure ka hindi tayo naliligaw?"

"Alam ko to, nak."

Pagkalakad namin ng mahigit dalawang minuto, may nakita kaming isang napakalaking paaralan sa tabi ng karagatan at napakalaki rin ng gate.

Pero may napansin ako dito na nakalagay sa gate.

"Navy Marines University"

Navy UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon